Na in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba?
Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya?
Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 64
LUCKY'S POV
"Tita Lu, will you rub my back please." hinawakan ni Luke ang kamay ko at dinala sa likuran niya. Ipinasok ko ang isang kamay ko sa suot niyang jacket at dahan dahan kong kinamot ang mainit na likuran niya. Nakatingala siyang napasandal sa dibdib ko at namumungay ang mga mata. "I feel better now Tita Lu, will you rub my back everynight until i fall to sleep?" Napaka cute talaga ng batang 'to kahit anong anggulo.
"Yes baby love, i'll do it everyday and everynight hanggang sa pagtanda mo." hindi ko mapigilang panggigilan at halikan ang tungki ng maliit niyang ilong habang nakatingala sa akin. Pakiramdam ko biglang kumulo ang tiyan ko sa bagong pangakong binitawan ko.
"Yes! I love that Tita Lu!" masiglang sagot niya at sinabayan ng pag indayog sa lap ko. Parehong pareho talaga sila ni Jor-El pagdating sa kalikutan hindi nauubosan ng enerhiya.
"Kid how's your tummy? Does it still hurt?" sabay kaming napalingon sa laki ng boses ni Kenneth habang nagmamaneho. Matapos naming mapainum ng gamot si Luke kanina bumalik na ulet ang dati nitong sigla. Kahit ako nagtataka ng dumating ako halos hindi maipinta ang mukha niya sa katamlayan. Tuwang tuwa naman si Ate Joi dahil maganang kumaen si Luke ng subuan ko sila ni Jor-El.
"No dad. After Tita Lucky kiss my tummy the pain went away so quickly." Pagyayabang niya kay Kenneth habang hinimas himas niya ang tiyan niya. Nagtama ang mata namin ni Kenneth pero nauna ako ng nagbawi ng tingin. Mula ng magtalo kami ng tawagan niya ako kaninang umaga hindi pa kami nagkakausap ng masinsinan ulet. Si Luke ang pinaka importante sa mga oras na ito at ayokong sirain ang gabing ko dahil sa hindi namin pagkakasundo.
"That's my secret power, don't tell anyone about it okay." Bulong ko sa kanya at sabay tawa niya ng malakas. Kapansin pansin ang biglang pagiging masigla ni Luke mula pa kanina. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang mga sinabi ko sa kaniya. Natatakot akong hindi ko mapanindigan ang ipinangako ko na hindi na muling aalis sa tabi niya. Nang magpasiya akong bumalik ng Pilipinas naka program na sa utak ko ang mga bagay na gagawin ko pag uwe. Ang ipagpatuloy ang pag aaral ko at ang misyon kong makatulong sa mga bata.. hindi kasama dun ang ura uradang maging ina ng isang bata. But Luke is not an ordinary kid, he's very special and like he's father i can't say no to this charming kid.
"Thank you daddy." Sambit ni Luke habang nakasandal sa dibdib ko.
"For what kiddo?" kitang kita ko kung paano lumambot ang facial expression niya sa sinabi ng anak.
"For bringing me back my Tita Lucky." pumulupot ang dalawang kamay niya sa leeg ko. "Because from now on my Tita Lucky will never gonna leave my side again, right Tita Lu?" kumikislap ang mga mata niya ng habang tinititigan ako. Nakakabuwag ng depensa ang charm ni Luke. Seriously this kid is really impossible to resist. Like i'm under his spell. Yung feeling na kahit anong sabihin o gustuhin niya susundin mo kahit alam mong imposible. Yung masaya kang gawin ang mga bagay na hinihiling niya dahil mas masaya ka kapag nakikita mong siyang masaya. Isang bagay na parehong pareho silang mag ama. There's something about these two that are so addicting.