CHAPTER 68
LUCKY'S POV
Pagbaba ko ng taxi lakad takbo na ang ginawa ko papasok sa malaking gate ng stadium. Balak pa akong harangin ng guard sa entrance pero ng ngitian ko siya ng matamis at ng mamukhaan ako dali dali niya akong pinagbuksan ng pinto. Sing lalim ng balon ang naging buntong hininga ko ng ihakbang ko ang mga paa ko papasok sa loob.
Sinalubong ako ng maingay at nakaka ngilong tunog ng rubber shoes ng mga manlalaro sa court. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng stadium at saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makitang mangilan ngilan lang ang tao sa loob.
Napahinto ako sa paglalakad ng agawin ni Kenneth ang atensiyon ko. Kunot noo itong tumatakbo habang dini-dribol ang bola tumbok ang direksiyon ko. Sinalubong siya ng ilang manlalaro sa kabilang koponan para agawin ang bola sa kamay niya ngunit walang kahirap hirap niya itong naiwasan. He moved like a dancer in my eyes, which is not surprising at all. Mula pa noon kaaya aya na sa paningin ko ko ang mga simpleng kilos niya, hanggang sa kakatwang facial expressions niya.
Nakakainis lalo lang siyang guma-gwapo sa paningin ko kahit sa mga simpleng galaw niya habang naglalaro ng basketball. Nakaramdam ako ng pagkailang ng ilang segundong magtama ang mga mata namin. Mukhang hindi niya inaasahang darating ako ngayon. He's freaking hot with his jerseys on. Yung pawis na lalong nagpatingkad sa maputing braso niya ay kaakit akit sa mga mata ko. Kenneth charm is irresistible as chocolate. Kahit hindi siya magpa cute nag uumapaw parin siya sa charm. Just like my baby Luke.
Now I know kung bakit kinababaliwan siya ng mga babae noon sa Carlisle.
Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na halos namalayan ang mga nangyayare. Sa isang iglap tila nawalan ng gravity ang sahig na inaapakan ni Kenneth at nakalutang sa ere ang mga paa niya. Hawak ang bola at sing talim ng mga mata ng agilang inaasinta ang target niya. Pumutik ang kamay nito at parang nag slow motion ang bola sa ere. Umikot ito ng dahan dahan sa direksiyon ng mataas na ring at swabeng pumasok ang bola ng hindi man lang tumatama sa bakal ng ring.
Kusang nag angat ang mga kamay ko at nahawa ako sa narinig kong palakpakan. Ngunit agad din natapos ang mga iyon ng mabaling sa akin ang atensiyon nilang lahat. Patay ka bai! Napayuko ako at kagat labi akong tumuloy sa paglalakad.
"T-TITA LUCKY!" nag echo ang boses ni Luke sa loob ng court ng isigaw niya ang pangalan ko. Tumatakbo itong sumalubong sa akin at kaagad itong nagpakarga. "I miss you Tita Lu!" Kaagad niya akong ginawaran ng halik sa labi at natatawang umakap siya sa leeg ko.
"I miss you too baby love." Mahinang bulong ko habang pinapaikutan ko ng halik ang ulo niya. I miss my baby. Umugong ang bulungan ng mga taong nanunuod sa mga bench na nadadaanan ko.
"Dad says your busy with your photo shoot a while ago, so you're not gonna make it in time." Nakangusong wika niya at bakas parin ang bahagyang pamumugto ng mata dahil sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Novela JuvenilNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...