CHAPTER 2
LUCKYS' POV
"Kenneth! Kenneth wait." Hinakawan ko siya sa braso ng maabutan ko. Mabilis niyang binawi ang braso niya pagkahawak ko.
"What do you want Lucky?" galit na sagot niya pagharap. Hinila ko siya sa isang puno na wala masiyadong dumadaang tao.
"You know what i want." Pormal na sagot ko.
"No you don't. Do you think i'm stupid?"
"Ano bang nagyayari sayo ha? May problema ba tayo?"
"Ako wala pero ikaw marami."
"O-Okay." Tumango tango ako. Sa dami ng nangyari sa akin ngayong araw ayoko ng makipagtalo.
"Seriously?" tumaas ang isang kilay niya.
"What aminado na nga ako eh, I'm guilty!" Sumusukong sagot ko.
Nakakapanibago pero hindi ko ugali ang sumuko sa pakikipagtalo lalo't nasa katwiran ako. Lagi akong may bala sa mga ganitong klaseng labanan.
Pero pagdating kay Kenneth tumitiklop ako. Masiyadong maiksi ang pasensiya niya at hindi siya sanay makipag dautan sa mga taong kagaya ko.
Pinipilit ko naman pero pakiramdam ko ako parati ang talo.
"Okay fine. So ngayon tuwang tuwa ka na dahil gusto ka rin ng Sir Villanueva na ipinagmamalaki mong crush mo?! Good for you Lucky!!" at sarkastiko siyang ngumiti.
"Yun ba ang pinuputok ng butse mo? Bakit sa tingin mo blessing yung magkagusto siya sa kin?" bahagya akong nakatingala dahil mas maatas siya sa akin.
"Tss, if know ang laki laki na ngayon ng ulo mo." Ibinaling niya ang tingin sa malayo.
"You don't understand. Hindi tulad yun ng iniisip mo. Humahanga lang yung tao ano bang mahirap intindihin dun?" naiinis na ako dahil sa hindi niya makuha ang point ko.
"Pinapatawa mo ko Gonzaga." Umiling iling siya at napapakagat sa lower lip niya.
Alam kong nagpipigil na naman siya ng galit. Hindi ang tipo niya ang naka program para sa mahabang pakikipagtalo. Masiyadong maiksi ang pasensiya niya at mainitin ang ulo. Nagtataka nga ako kung paano niya natatagalan ang kagaya ko.
"Bakit ganyan ba ang naging reaction ko sa dami ng tagahanga mo dito? May narinig ka ba sa akin? Nagalit ba ako sayo?" sumbat ko sa kanya. Kailangang marealize niya na maypagkakatulad ang sitwasiyon namin pareho.
"Huwag mong iliko yung issue Lucky." Pagmamatigas niya.
"Hindi ko inilalayo ang issue Kenneth. Dyina-justify ko lang yung side ko."
"Okay i got it. Now look what happened to you dahil sa sinasabi mong tagahanga mo?" napakamot siya ng noo.
"What ever happened to Sir Adam and Mj is out my business and that's beyond my control. Lately ko lang din naman nalaman ang tungkol dun."
"Paano?"
"The same day ng nakita niyo ako sa suite ni Sir Adam."
"Tanginang yan!" lalo lang siyang nagalit sa isinagot ko at napasabunot sa ulo.
"Makinig ka muna. Bago mangyari yun nag jogging ako mag isa nung umaga. Habang nakaupo ako sa park aksidente ko lang silang narinig na nagtatalo malapit sa kinauupuan ko. Dun ko lang nalaman ang lahat at kung bakit ganun na lang ang galit sa akin ni MJ." Pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Hindi ko ugaling magpaliwanag. Pointless itong pinagtatalunan namin. Ngayon iniiwasan ko na lang na huwag ng lumalim pa ang issue.

BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...