CHAPTER 7 - JACK FROST

2K 71 24
                                    

CHAPTER 7 

LUCKY'S POV

Huling klase namin ang Music Subject ni Sir Adam. Maaga na din niyang tinapos ang klase para makapag handa raw kami sa Masquerade Party. Ang gaganaping ball ay para lamang sa mga Third at Fourth year students kaya kami ang pinaka maagang pinauwe sa campus.

"Lucky do you have a minute?" bahagya akong nagulat sa paglapit ni Sir Adam sa desk ko.

"Y-Yes sir." Napakamot pa ako sa ulo. Hanggang ngayon hindi parin kasi ako maka get over sa presence niya. Masiyado yang gwapo sa paningin ko.

'Kakabasa mo kasi yan ng Twilight Saga!'

Natawa siya sa reaction ko. Naglapitan naman sina Andi, Marlon at Ytchee.

"Anong pinaplano niyo isali niyo naman kami ser!" Pangungulet ni Ytchee kay Sir Adam.

"Its about Lucky and Wesley's song performance tomorrow. Nakakapag rehearse ba kayo ng maayos?"

"Opo ser kahapon, nag rehearse po kami sa bahay nila Ongpauco." At tinaasan niya ako ng kilay.

"Opo ser sa bahay nila. Kasama niya ako kahapon, grabe ser para akong nanuod ng concert ni Brian McKnight at Regine Velasquez!" Mayabang na kwento ni Ytchee.

"Great! Eh kayong dalawa saan kayo nagpunta?" Lingon niya kay Andi at Marlon.

"Umawra este nag shopping kami ser para sa susuotin nitong dalawa." Turo ni Marlon samin ni Ytchee. Napatango lang si Sir Adam naglakad at hinila papalapit sa amin keyboard player niya.

"Pwede ko bang marinig para malaman ko kung gaano ka okay yung sinasabi niyo?" Natatawang request niya. Inilapag ko ulet yung bag ko sa desk ko at umupo ako sa tabi niya.

Napaupo din sa harap namin ang mga kaibigan ko at nakapangalumbabang tumunghay sa harap ng piano.

Sinimulan niyang tipahin sa piano ang unang piyesa pero sa bandang mataas na part na niya sinimulan at sinabayan din niya ng kanta.

Sir Adam:

"And I will breathe for you each day

Comfort you through all the pain

Gently kiss your fears away...

Napanganga kaming apat sa kanya.

Whooa! Si Sir Adam ba talaga yung kumakanta? Hindi man kasing ni Wesley technically pero yung medyo husky na boses niya yung nagdala tapos sabayan mo ng tingin sa mukha si Sir Adam para akong madidighay sa kabusugan. Ganun din ang reaction nila sa narinig dahil nahulog ang mga ulo nila habang nakapangalumbaba kanina.

"L-Lucky your turn.." Natatawang sambit ni ser at dun lang ako nagising.

"I'm sorry. I'm really sorry ser." Natatarantang sagot ko sa kanya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon