CHAPTER 8
LUCKY'S POV
"Akala ko ba inaantok kana?" Bungad ni Kuya paglapit niya sa kama. Nagpapatuyo siya ng buhok gamit ang maliit na puting towel.
"Oo kanina. Nawala eh." Lumapit ako sa tabi niya at ginawa kong unan ang binti niya.
"Style mo!" Itinakip niya yung basang towel sa mukha ko.
"Ano ba, kapag ako mainis babalik na ako sa kwarto ko!" Sigaw ko sa kanya at pabato kong ibinalik yung towel sa kanya.
"Subukan mo! Isusumbong kita kay Nanay." Pananakot niya at bigla akong napa upo. Pisti!
"Napaka daldal mo talaga Jiggen dinaig mo pa mga babae eh!" inirapan ko siya saka ako humiga.
"What ever Lucky." Pang aasar niya. Tumayo siya at nagpalit sando at inabutan ako ng kumot.
"Kuya may kilala ka bang Adam Villanueva?" Tumabi ako sa kanya at inagaw ko yung ekstrang unan niya.
"Villanueva?" Nag isip muna siya. "Ahh si Edward Cullen? Ka batch ko yun! Bakit kilala mo siya?" na surpresang tanpong niya kaya natawa ako.
'Hindi lang kilala. Crush ko pa. Hehehe'
"Adviser namin siya." Masayang balita ko.
"What?" Gulat na sagot niya at napatuwid ng upo sa kama.
"OA mo. Oo nga Music Teacher namin siya. Grabe yun, ang daming admirers sa school mapa co-teacher lalo na sa mga students. Tch!" Namamanghang kwento ko.
"Teacher na pala siya? Akala ko Lawyer siya?" Nagtatakang sambit niya.
'Si Sir Adam Lawyer? OMG!'
"Napag usapan ka kasi namin kanina bago umuwe, nabanggit kasi ni Andi na nagkita kayo sa gate kaninang umaga."
"Tapos." Habang nagsusuot siya ng reading glasses niya at may kinuhang libro sa ilalim ng maliit na mesa.
"Sabi niya magkaibigan daw kayo nung high school? Totoo yun Kuya?"
"Oo, transferee lang din kasi siya nung 3rd year kami. Naging kaklase ko siya hanggang maka graduate ako."

BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...