CHAPTER 3 - BARBIE AND KEN

1.5K 61 10
                                    

CHAPTER 3

LUCKY'S POV

"LUUUUCCCCCKKYYYYYY!" nagulat kami sa biglang pag sigaw ni Ytchee pagpasok ng kwarto.

"ITIGIL NIYO YAN!" sigaw niya ng makita ang ginagawa namin ni Wesley.

'Itigil agad? Hindi pa nga kami tapos, naka drugs lang teh?'

"Anong itigil niyo yan hindi pa nga naipapasok ni Wesley eh." Naiinis na sagot ko. Nangangati na nga ang likod ko kanina pa sa ginagawa ni Wesley hindi man lang niya mai-shoot.

Dismayadong napaupo si Kenneth sa katabing sofa.

"Ytchee why are you screaming?!" nagtatakang tanong ni Wesley. Tumayo siya at inayos ang sarili.

Hindi siya maka sagot at nagtitigan lang sila ni Kenneth.

"Wala, ano kasi-Ano nagandahan ako diyan sa necklace na ikinakabit mo kay Lucky. Saan mo nabili yan Ongpauco? Sana pala binilhan kodin ng ganyan si Bonnie mga tatlong dosena." Natatawang palusot ni Ytchee.

"Psh malamang umandar na naman yang maduming utak mo. Nagdala kapa ng isa pang mas marumi mag isip sayo." Nakangiwing sagot ko. Pinandilatan ako ni Kenneth sa narinig. Makapag react 'tong talipandas na' to akala mo hindi totoo ang sinasabi ko.

"Hoy sinong madumi ang isip?!" Taas noong sagot niya sa akin sa akin.

'Oh please Kenneth huwag ngayon mainit pa ang ulo ko baka samain ka lang.'

Napalingon kaming apat ng may kumatok sa nakabukas na pinto ng kwarto ni Wesley.

"Wesley, nasa line ang Mommy mo. Kakausapin ka daw may ipapakuhang gamit ng Daddy mo."

"I'm coming Manang. Stay here i'll be back." Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. Lalong sumama ang mukha ni Kenneth habang nakatingin sa akin.

'Ginusto mo 'to ngayon magtiis ka.'

"Sasama ako Wesley na uuhaw ako kuha ako ng juice!" alibi niya alam kong natatakot lang siyang magpaiwan baka daragin ko siya.

"Tara sa baba magdala na rin tayo ng food dito na tayo kumaen sa room ko." Tinapik ni Wesley sa balikat si Ytchee.

Napakamot ako ng ulo ng umalis yung dalawa. Dapat pala sumama na lang ako sa kanila. Ayokong kasama sa kwarto ang kulugo na 'to baka ano na lang ang magawa ko. Buti na lang nag ring yung phone ko. Humiga ako sa gilid ng kama ni Wesley at dun ko sinagot ang tawag.

"Sige na mamaya na. Bye i miss you too." Si Kuya Jiggs break daw niya kaya nangungulit. Kaya after a minute binabaan ko na.

"Psh, malamang isa sa mga lalake mo." Napalingon ako dun sa nagsalita. Naka pang dekwatrong nakaupo at gwapong gwapo paring ex boyfriend ko. Tumayo siya isinara ang pinto at dahan dahan naglakad papunta sa kinauupuan ko.

"Eh di tawagan mo rin yung mga babae mo para kwits tayo." Sarkastikong sagot ko at tumayo sa kama lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ako sa braso.

"Huwag na magselos kapa." Mayabang na sagot niya.

"Try me." Ngiting sagot ko at inirapan ako.

'Oh nasaan na yung i don't wanna see you anymore na drama niya? Expired na rin ba?'

"Tuwang tuwa ka talagang paglaruan ako ano Gonzaga?"

"Hindi ko ugaling maglaro Ang. Marumi kasi ako maglaro noon pa."

"Mukha nga, nalugi nga ako sayo eh." Sarkastikong sagot niya at napipika talaga akong makipagtalo sa kanya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon