CHAPTER 33 - MGA KWENTO NI LOLA BASYANG

1.5K 79 22
                                    


  Cara_harthart  Salamat sa pag aantay! I HART YOU! Hehehe

-cyborgmomo


CHAPTER 33

KENNETH'S POV

"Ate magkano po ang isang bouquet ng roses niyo?" Turo ko dun sa isang bouquet ng red roses na naka display.

"1000 ser. Kapag may kasama pong Ferrero Rocher chocolates 1500 po. 1 dozen of white, red or pink roses with 12 pieces of chocolates po." suhestyon niya habang inaabot sa aken ang isang sample ng bouquet ng red roses na may chocolates na nakaayos sa gitna.

'This one looks nice. Malamang sa ugali ni Lucky mas ma appreciate niya yung chocolates na kakainin niya kesa dun sa mismong bulaklak.'

Umiling iling ako. No, ako ang dapat masusunod. Gusto ko ang flowers na bibilhin ko ang piliin niya kesa sa mga chocolates. Epal kasi ng Ongapauco na yun eh, naunahan pa akong magbigay ng bulaklak kay Lucky.

Ako ang boyfriend pero mas close at mas na una pa siyang makilala ng family ni Lucky kesa saken.

Ako ang boyfriend pero mas nauna pa siyang magbigay ng flowers kesa saken. GRRRR!

Dapat kapag magising siya may nakahanda akong flowers para sa kanya. Hindi ako makakapayag na ang flowers ni Wesley ang una niyang makikita. Kahit na may sakit pa siya aawayin ko talaga siya kapag mas magustuhan niya yung flowers na galing sa Wesley na yun.

Binili ko na lang ang isang dosenang white roses para sa kanya. Ingat na ingat kong inilapag sa back seat ng kotse ang bulaklak para hindi magulo ang pagkaka ayos nito. Dumaan din ako sa supermarket para bumili ng maraming prutas para sa kanya. Lahat ng klase binili ko para marami siyang pagpipilian.

"B-Banana?" napangiti ako ng ma imagine kong kumakaen siya ng banana sa harap ko. Loko!

"Ayoko niyan mas masarap diyan ang banana ko. Hehehe" tinulak ko ang cart papalayo para bumili rin ng ibang junks foods para may makaen ako habang nagbabantay sa kanya.

Ang sabi ni Ate Joi makakatulong sa mabilis na paghilom ng mga sugat ni Lucky kapag kumaen siya ng maraming prutas.

"Ipagbabalat ko siya oras oras ng lahat ng klase ng prutas hanggang gumaling siya." Nakangiting bulong ko sa sarili.

'Ang sweet sweet ko talagang boyfriend! Ang swerte swerte mo talaga Gonzaga bukod sa saksakan ng gwapo ang boyfriend mo napaka sweet pa, kasing sweet ng mga prutas na binili ko! Hahaha!'

Pagdating ko sa parking lot ng ospital. Tumingin muna ako sa rear view mirror habang inaayos ang buhok ko. Inamoy amoy ko rin ang suot ko. Kahit hindi pa ako naliligo ang fresh parin ng amoy ko. Gustong gusto ni Lucky ang inaamoy ako lalo't kapag naka akap siya saken. Kinikilig ako kapag naaalala kong pinanggigigilan niya ako dahil ang cute cute ko daw at ang bango bango.

"Of course kailangan lagi akong mabango para lagi niya akong yayakapin!" Nakangiting sambit ko sa salamin.

I'm all set. Mabilis akong bumaba ng kotse at naglakad papasok sa main entrance ng hospital. Lahat ng madaan ko nakatuon ang mga mata saken. I'm used to it. Sorry guys i'm taken by the luckiest person on planet earth. My one and only Lucky Me. Huminga muna ako ng malalim bago ko pihitin ang door knob ng private suite.

Napaatras ako ng bahagya pagpasok sa loob. Wala si Lucky sa bed niya at wala rin ang bantay niya. Agad akong binalot ng kaba at nataranta agad ako. Dali dali kong inilapag ang mga pinamili ko sa bilog na mesa. Bara bara ko naring inilapag sa ibabaw ng mga pinamili ko ang bouquet ng white roses na binili ko para sa kanya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon