CHAPTER 70 – PART TWO - FINALE
KENNETH'S POV
"You're the best! Thanks for letting me know." Nakangiting tugon ko. "I know its too much for me to ask.. will you make it possible for me please?" nilambingan ko ng bahagya ang boses ko at lumipas muna ang ilang segundo bago ko siya mapapayag sa gusto ko. "That's great! I love you!" pareho kaming natawa sa naging sagot ko. Kahit ako nagulat sa isinagot ko, uagali ko na 'to lalo na at masaya ako. "Call me if you need anything and don't worry about the expenses. Okay, bye for now!" Hindi na mapawi ang pagkakangiti ko bago ko ibaba ang linya. Ngayon makakahinga na ako ng maluwag. Ilang ulet pa akong napasuntok sa ere. Sa wakas malapit narin akong iskor sa kanya!
"A-Aherm." Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig kong may tumikhim sa bandang likuran ko. Shit! At parang bulang naglaho ang ngiti ko at unti unting gumuho ang mga pangarap ko.
"H-Hey." Alangang bati ko pagkaharap saka ko pasimpleng isinuksuk ang cellphone ko sa bulsa.
"Hey 'lil bro." Nakangiting bati ni Kuya Jack habang nakasandal sa pinto at nakapamulsa. Pinagpawisan ako ng malamig at hindi ko alam kung paano ako kikilos ng normal sa harap niya. Pasimpli kong sinilip ang loob ng kwarto ko kung may kasama siyang iba. Pahamak talaga 'tong si Wesley sinabing libangin muna niya si Kuya Jack habang wala ako 'e. Tch!
"K-Kanina kapa ba diyan kuya?" pilit kong nilalabanan ang kaba para hindi ako mautal. Ugh.. Until now i find it really awkward to call him "Kuya Jack" all of a sudden. Kay Kuya Jiggs lang kasi ako sanay na tumatawag ng kuya.
"Are you busy?" tumuwid siya ng tayo at nakapamulsang lumapit sa tabi ko.
"Yeah--- I mean no! No!" Mabilis na bawi ko. "I was just talking to a friend." Nakangiti pero kinakabahang alibi ko. Pakiramdam ko biglang uminit ang phone sa loob ng bulsa ng pants ko. Bakit ba ako nine-nerbiyos sa harap ng kapatid ko? Dinampot ko ang in can beer na nakapatong sa marmol na mesa at saka ko ito tinungga. Tensiyunado akong napasandal sa terrace habang nina-namnam ang lasa ng alak.
"So totoo pala talaga ang tsismis na naririnig ko?" Nakangiting wika niya bago sumandal sa mesa kung saan nakapatong ang apat na in can na beer.
"A-Ano na naman ang sinabi ng mga kulokoy na yun tungkol sa akin?" napailing lang siya sa isinagot ko. Malamang kung anu ano na namang paninira ang mga sinabi ng mga pinsan ko tungkol sa akin. Tch!
"Na mapagmahal talaga ang bunso kong kapatid?" Sabay tawa niya ng malakas. Ano na naman kayang paninira ang sinabi nila Wesley sa kapatid ko ngayon? Nung isang araw pa nila ako pinagtutulungan, nagsumbong kasi ang mga pinsan ko kay kuya na masiyado daw akong bossy mula pa pagkabata.
"I'm sorry Kuya Jack, i actually don't understand what you're saying." Maang maangan ko pa.
"Man, i hear you!" dalawang beses niya akong tinapik sa balikat. "Its envitable thing you know speacially nasa dugo natin ang pagiging magandang lalake." Natatawang paliwanag niya. "I've been there 'lil brother so i know what you're going through." Nanigas ako sa kinasasandalan ko sa narinig. Dapak! Unti unti akong nilalamon ng kaba. Pakshet! Narinig kaya ni Kuya Jack ang mga pinagsasa-sabi ko kanina sa kausap ko? Nauumapaw ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"S-She's an old friend." nahihiyang pag amin ko maibsan man lang ang kabang namumuo sa dibdib ko.
"Yeah.. She." Sambit niya. Nakakabingi ako sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Mag kaibigan lang kami." Nakayukong sagot ko habang nilalaro ko ang lata ng beer sa kamay ko.
"You don't have to explain." Saka ako nag angat ng tingin. "Shane is my old friend too. Do you wanna hear me saying i love you to Lucky everytime i speak to him lil brother?" seryosong sambit niya at nagsukatan kami ng tingin. Hell no! Mabilis na kontra ng utak ko. Pero hindi ko yun maisaboses sa harap niya natatakot akong baka sabihin niya kay Lucky ang mga narinig niya kanina. Kahit kapatid ko siya nagseselos parin ako sa kanya lalo na ng malaman kong may naging nakaraan sila kahit hindi naging sila officially.

BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
أدب المراهقينNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...