CHAPTER 51 - BOYS WILL BE BOYS

1K 54 33
                                    



CHAPTER 51 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 51 


LUCKY'S POV

Pain pain go away don't comeback another day.

Malapit na talaga akong masiraan ng bait. Ang sakit niya sa ulo. Dinaig pa niya ang migraine ko.

Kung tutuusin hindi na bago saken ang ganitong esksena. Nangyare na 'to noon kaya dapat alam ko na ang tamang gagawin. Pero kahit anong pilit kong magkalkal ng iba't ibang formula para kalimutan siya bigo parin ako.

Paulit ulet paring nag e-echo sa tenga ko ang huling sinabi niya nung araw na yun. Kung baga sa biro, Havey na havey o bentang benta. Bawat salita at letra noon tumatak sa isipan ko kulang nalang ipa imprenta. Ito namang malditang brain ko ayaw manlang makisama. Luhaan naman ang mga bitter kong brain cells habang paulet ulit na ini slideshow ang mga larawan ni Kennenth sa isang sulok ng bungo ko.

Tinu-torture ako ng utak ko. May sarili silang sistema at inigawan na ako ng kontrol sa sariling kong pag iisip. Kung ano anong scenario ang naglalaro sa isipan ko. Parang tatakasan ako ng katinuan bawat minuto. Hobby ko pa naman ang gumawa ng mga madudugong scenario sa utak ko na lalong nakapagpapadagdag ng sama ng loob ko.

"Oh c'mon brain let me sleep." Kahit anong pikit ko hindi parin talaga ako makatulog.

"Huwag muna, let's stay awake. Samahan mo kong sariwain ang lahat ng mga katangan mo this last year." Sagot ng mahaderang utak ko na hindi na papagod mag isip ng mga bagay na ikalulugmok ko.

"Okay.." wala sa sarilign sagot ko. "Wala talagang forever huwag ka nadin kasing umasa."

"Meron. Yung traffic sa Edsa." Umepal na naman ang utak kong ipinaglihi kay Clara.

"Brain lahat ng bagay may hangganan. Ang pagkaen may expiration. Ang bawat kalye may dead end. Ang pisi may dulo. Bawat teleserye sa telebesiyon may ending. Ang anumang may buhay namamatay unless isa kang immortal. Kaya walang permanente sa mundo, sa madaling salita walang poreber!"

"Yeah may point ka naman. There is nothing permanent, except Change." Sumasagot pa talaga siya. "Its not permanent Lucky but its FOREVER." Tuloy tuloy na argumento niya.

Napa isip ako ng konte sa sinabi niya. May punto ang utak kong mahadera. Maraming pagbabago ang nagaganap sa mundong ito bilyong taon na. Kahit ang tao at mga hayop nag evolved na paglipas ng haba ng panahon. Sabagay isang matibay na ebidensiya ang hayup na si Kenneth na hindi ko alam kung kailangan nakalunok ng salitang Change. Noon kapag nag aaway kami hindi siya nakakatiis ng hindi agad kami nagkakabate. And suddelny everything changes. Pisti ka Change, huwag kang magkakamaling salubungin ako kundi malilintikan ka saken!

"Oo na ikaw na matalino." Napairap ako sa kawalan.

"Naman! Kaya nga ako tinawag na brain e." Pagmamaasim niya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon