CHAPTER 4
LUCKY'S POV
Dahil sa nairita ako sa view sa loob ng bar lumabas na ako para makapag yosi bago umuwe.
'Buti kong siya lang ang nakakapangit ng view eh, sa dinami dami ng pwede kong makasama sa table ang dakilang si Amber Gutierrez at Kenneth Ang pa ang masuwerteng nakasama namin sa mesa.'
'Hay buhay Lucky nga ang pangalan mo saksakan naman ng malas ang araw at gabi mo!'
Naglakad ako sa gilid ng parking lot at nakakita ako ng bakanteng slot sa gilid na may malinis na gutter at sumalampak ako ng upo.
"Bisyo! Bisyo! Buti ka pa hindi mo sinisira ang araw ko ang lungs ko lang!" at sinabayan ko ng mahinang tawa. Ganito talaga siguro kapag malapit ka ng mag dileryo kapag masama ang pakiramdam mo.
Saka ako nagsindi ng sigarilyo. Humithit ako at swabeng dumaloy ang usok sa lalamunan ko. Napatingala ako sa madilim na kalangitan saka ako ibinuga ang usok paitaas. Ganun lang ang ginawa ko ng paulet ulet, hithit buga, pabilog ang usok na ibubuga, paulit ulit.
"Penny for your thoughts?" Napalingon ako at muntik na akong mabilaukan at hindi ko na maibuga ang usok na kasalukuyang dumadaloy sa lalamunan ko.
Hindi ko alam kung matatawag ko pa bang malas o swerte ang gabing ito. Sa lahat ng mga tao loob ng bar kanina siya lang ang natatanging nakapagpatawa sa akin. Well, sa isip ko lang naman actually.
Mukha akong tanga at titig na titig lang ako sa lalaking katabi ko.
Siya yung lalaking kausap ng bartender kanina at titig na titig sa akin habang kumakanta ako kanina sa stage. Gusto kong tumawa ng malakas kanina ng itaas niya ang hawak na beer bago niya ito tunggain hanggang maubos.
Pamilyar ang itsura niya parang nakita ko na siya somewhere. Taga Carlisle din kaya siya? Isa rin ba siya sa invited guest ni Andi? Magandang lalake, matangkad, tisoy, may dimples. Lalong nakapag palakas ng dating ang brown wavy, messy hair niya. He's too adorable.
Gwapo pero mukha lang maangas. Sa bagay sa hitsura niyang yan sino nga ba ang hindi magyayabang. Ito yung mga tipong playboy at sobrang lapitin ng mga babae.
Nakakabadtrip gusto ko pa naman uminum ngayon nasira lang ng dumating ang bugok na si Kenneth Ang kasama ang ex niya. Hindi ko maalalang binaggit ni Andi na kasama sa guest list niya si Amber.
"Pasado na ba ako sa taste mo?" Napapangiting tanong niya at unti unting lumabas ang dimples niya kaya lalo akong natulala.
"H-Ha? O-Oo este, ano ulit yung tanong mo?" Nagkanda utal utal na sagot ko.
'Pisting lalakeng 'to nakaka ilang kausap!'
"Nothing." Nakangiting sagot niya. "Okay lang na ma starstruck ka but don't fall in love with me."
"Tss, gwapong gwapo kuya?" Sarkastikong sagot ko.
"Bakit hindi ba? Natulala ka nga ngayon eh." Mayabang na sagot niya.
"Ayos yan, laking tulong niyan sa ekonomiya ng Pilipinas." ngiwi ko sa kanya at napakamot siya sa batok.
"Pwede bang tumabi sayo"
"Nandiyan ka na eh may magagawa paba ako?" singhal ko kanya.
"Bakit nag iisa ka rito sa labas nasan pala ang mga kasama mo?" Pormal na tanong niya habang nakatingin sa papa alis na kotse sa kabilang side ng parking lot.
"Pauwi na ako nagpahangin lang saglit inaantok na kasi ako eh."
"I see, akala ko kakanta kapa kanina kaya inantay ulit kita. Sabi ng bar tender napakanta ka lang dahil sa mga kasama mo." Maikling kwento niya.

BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...