CHAPTER 39
LUCKY'S POV
Hindi na ako makahinga sa sobrang kabusugan. Yung tipong parang masusuka kana dahil nag uumapaw na ang laman ng tiyan mo. Dalawang bagay lang ang nakapagpapasaya saken kapag ganito ako kabusog. Kape at yosi.
"I-Inday tara sa labas hindi na ako makahinga, kailangan ko ng magpausok." Kalabit ni Ytchee sa siko ko habang pinipilit kong inuubos ang fruit salad sa malaking bowl.
"Kay Andres ayaw mo magpasama?" nguso ko sa direksiyon ni Andi. "Yan madalas yan maglabas ng usok." pabulong na sagot ko.
"Oo itim na usok." Labas sa ilong na sagot ni Ytchee at sabay kaming tumawa ng malakas.
"Nyetah kayo ako na naman ang nakita niyo!" sabay irap ni Andi. Buti di siya nahihilo kapag umiirap siya ng ganun. Kinakaen ng patay gutom niyang mga mata ang Iris niya. (yung itim sa mata) Sana pati ang kulay ng balat niya kainin din para matigil na niya ang pag gu-glutha.
"Grabe naman kasi kayong dalawa kumaen parang parati kayong may kakumpitensiya." Naka ngiwing sagot ni Bonnie. Kanina na niya pa actually pinupuntirya yung dami ng pagkaen namin sa plato ni Ytchee. Bakit ba libre 'to dapat sinasamantala.
"Sayang ang grasya saka libre naman." Nakangiting sagot ko kay Bonnie.
"Sayang o sadyang mga shutay gutom lang talaga kayo ni Fingerella?" Sabat ni Andres.
"Hoy Andres! Atleast kami ni Lucky kumaen man kami ng marami payat parin kami at magaganda. Eh ikaw kahit gaano pa kasarap ang kainin mo kapag umutot ka kawawa ang lahat ng living at non living things sa paligid mo!" Singhal ni Ytchee. Muntik na akong masuka dahil sa pagpipigil ko ng tawa. Lakas mandarag ng tiborsiyang 'to!
"Oh siya, mag bisyo na baka pati ang kakinisan ko idamay niyo!" Taboy ni Marlon samen at naunang tumayo si Ytchee at sumunod ako.
"Wait Ytchee daanan naten si Tita Jack baka gusto niyang sumama." Hinawakan ko si Ytchee sa braso at hinila sa direksyon ng table nila Nanay. Gusto ko sanang umatras ng makita ko na may bago silang kasama sa mesa.
"Oh Lucky iha kamusta kana?" Agad na bungad ni Tita Sylvia ang mommy ni Wesley. Iha? Hanggang ngayon ba nakakalimutan niyang beklu ako?
"Good evening po Tito, Tita." Lumapit ako sa mag asaw at nagmano sa kanila.
"Wait Sylvia do you know El's son, Lucky?" Nagtatakang tanong ni Tito Basti sa mommy ni Wesley. Sabi ni Kenneth kapatid ng daddy niya ang mommy ni Wesley. Sabagay namana ni niya ang ganda ni Lola Stella.
"Oo Kuya Basti, ilang beses na siyang nakapunta sa bahay dahil nagre-rehearse sila ni Wesley ng song number nila noon." Maikling kwento niya habang hawak ang kamay ko.
"At napakahusay kumanta ng anak mo Elvira hangang hanga kami nitong si Sylvia, right honey?" Umakbay ito sa asawa at sumandal naman ang ginang sa balikat ng esposo kaya nagkaroon ako ng chance na bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Mrs. Ongpauco.
"S-Siya din ba yung sinasabi ni Wesley na kaibigan na pinakasalan niya sa Carlisle pagkagaling mo sa hospital noon Ric?" Baling ni Tito Basti kay Mr. Ongpauco. Pisti! Sana pala hindi na ako dumaan dito kung makikinig lang ako ng tsismisan nilang matatanda.
"Hahaha! Oo si Lucky nga yun Basti alam mo naman yang anak ko maypagka pilyo at loko loko." Natatawang sagot ni Mr. Ongpauco. Nakita kong nagulat sila Nanay sa narinig.

BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...