CHAPTER 70 - KAPUSO, KAPATID AT KAPAMILYA

1.4K 62 14
                                    



CHAPTER 70 – PART ONE – KAPUSO, KAPATID AT KAPAMILYA


LUCKY'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUCKY'S POV

Being a parent is the most highest paying job. Higher than i was paid for being a supermodel. Masasabi kong hindi simple ang trabaho bilang isang magulang. It means so much to be a parent. Isang trabahong nangangailangan ng matinding karanasan, lakas, lawak ng pang unawa at kakayahan sa iba't ibang aspeto ng buhay.

Demanding ang trabaho at maraming kailangang requirements kahit wala ka namang sweldo. Its a full time homebased job pero daig pa ang construction worker sa dami ng trabaho. Whole day ang trabaho minsan idlip lang ang pahinga mo. Dito ikaw ang boss. Boss dahil sinusunod at kinakatakutan ang batas mo. Pero ikaw rin yung tipo ng boss na kumakalinga at palaging inuuna ang pangangailangan nila.

Bilang magulang kailangan mo ng tone-toneladang pasensiya, malakas na resistensiya (always on-call) at kung kinakailangan dapat multi talented ka para alam mo kung paano i-entertain ang junakis mo. Singing dancing, cooking, acting (convincing powers), dapat sing lakas ka din ni Son Gokou at ready kang mag Super Saiyan anytime kapag may magtangka sa miyembro ng pamilya mo.

Kaya hindi ko rin masisisi si Nanay at Tita Jack kung madalas napapraning sila sa amin ni Kuya Jiggs noon kapag wala pa kami sa bahay after school. Hindi lang ang marital status mo ang magbabago kundi ang buo mong pagkatao. Marami kang bagay na isasantabi o isa-sakripisyo o para sa kanila. Kahit ang mag ayos ng sarili madalas makakaligtaan muna dahil sila ang una mong inaasikaso.

There is no such thing as a perfect parent. Magpakatotoo na lang siguro sa sarili mo.

And now its my turn..

******

"Nasaan ka?" seryosong bungad ni Kenneth sa kabilang linya.

"Katatapos lang naming mamili nasa isang restaurant na. Bakit?" casual na sagot ko at may kutob na ako kung saan papunta ang usapang ito.

"Yung totoo?" Nagdududang sagot niya. Halatong kabado ang boses niya. "Yab i thought we made ang agreement--"

"N-Nasa restaurant nga kami parang kang sira." Putol ko at saka ko ipinasa kay Luke ang telepono. Siya ang nakipag usap sa ama niyang mas praning pa kay MJ. Napairap lang ako sa kawalan, siguro naman sa dami ng isinalaysay ni Luke kung saan kami ng galing hindi na siya magdududa pa. Habang inaantay kong matapos ang heart to heart talk slash pang iispiya ni Kenneth gamit ang anak niya namili nalang ako ng pwede naming kaining tatlo. Dahil gutom na ako marami akong inorder at sobra pa sa aming tatlo.

"Tita Lu here's your phone." Nakangiting inabot pabalik sa akin ni Luke ang phone ko. Manang manang talaga siya sa daddy niya ang dali daling mabasa lalo't may gusto.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon