CHAPTER 10 - MASQUERADE PARTY - PART 2

1.4K 56 21
                                    


Chapter 10

LUCKY'S POV

"Yun lang naman ang inaantay ko Lucky ang bumigay ka "

....Pero hindi sa paraang gusto mo, sa paraang gusto ko Gonzaga."

Sa paraang gusto niya? Bakit kailan ba ako nasunod sa gusto ko? Nagpaubaya naman ako sa lahat ng gusto niya diba? Sino ba naman ako para tumanggi sa isang kagaya niya hindi naman ako dyosah.

Unang bumigay ang utak ko bago ang puso ko way back in Baguio. And lately my body is slowly giving up on him too and its fucking killing me. Humihina ang depensa ko sa isang Kenneth Ang. Kinakabahan ako, isa siyang threat sa pinaka iingat ingatan ko.

Slowly he's trying to break my own sphere. My defenses is going down, he's too strong and i really don't know what to do. Kung bibigay ako, is it really worth it?

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas sa makapal na kurtinang pinagtataguan ko. Sigh. Lumabas ako ng tent para magpahangin at naglakad lakad muna ako para makapag isip ako ng matino. Nag vocalize ako saglet dahil kinakabahan parin ako para sa susunod naming song number ni Wesley.

Pabalik na sana ako sa loob ng mabangga ako ng isang matangkad na lalake at aksidente niya akong natapunan ng hawak niyang drink sa dibdib.

'Pakers! Ibinuyangyang ko na nga ang dibdib ko sa masa ito pa ang natamo kung surpresa?!'

Buti nalang sa panloob kong lace top lang ang natapunan kaya madali ko lang siyang mapapatuyo sa CR mamaya if ever.

"Oh, i'm sorry." Hingi ko agad ng pasensiya kahit ako yung unang nabangga niya. Naligo na nga ako sa bahay tapos dito ligo ulet? Swerte ko diba?

"No, i should apologize ako ang nakabangga sayo." Iniabot niya ang hawak na baso sa kasama niyang lalake at nilapitan ako.

"Here use my handkerchief." Abot niya ng light blue na panyo. Apoligetic naman ang approach niya pero hindi ko trip yung paraan ng pagtitig niya sa dibdib ko. Yung tipong nakakabastos. Hindi ako babae para umarte but it doesn't mean pwede akong magpabastos sa kagaya nitong ginagawa niya.

"No worries I'm fine." Hindi ko tinanggap ang panyo niya. Ngumiti lang ako at saka ko sila iniwanan ng kasama niya.

'Oo na tanggap ko na may transparent akong balat sa pwet. Pisti, pepektusan ako neto ni Andi kapag nalaman niyang wala pang 3 hours kung suot 'tong damit nadumihan ko na.'

Napairap lang ako habang nasa harap ng salamin. Binasa ko yung panyo ko at saka dahan dahang dinadampi sa malagkit na likidong tumapon sa dibdib ko kanina. Nag vibrate yung phone ko sa bulsa kaya minadali yung pagpunas sa dibdib ko.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon