Na in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba?
Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya?
Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wesley Ongpauco
CHAPTER 27
WESLEY'S POV
Quarter to 4PM, magkasabay kaming umalis ng Loyola Grand Villas ni Kenneth. Nag text lang siya na paalis na siya at nireplayan ko na lang siya na convoy na lang kami papunta.
Habang nasa biyahe naisipan kong tawagan siya.
"HEY SIRI! WILL YOU PLEASE CALL KENNETH JAMES ANG FOR ME PLEASE!" Malakas at malinaw na bigkas ko sa pangalan ng pinsan ko habang nagmamaneho.
"CALLING KENNETH JAMES ANG!" sagot ni Siri. Ang featured digital voice assistant ng phone ko.
"Oh?" Walang kagana ganang sagot niya. "Alam mo bang nag da-drive ako?" pagsusungit niya.
"Alam ko! Ang sungit mo! Bakit hindi ba naka plug ang earphone mo?" pasigaw na sagot ko. Palagi nalang galit at nagsusungit akala mo nagme-menopause na.
"Anong kailangan mo? Alam mong ayokong inaabala ako kapag nagmamaneho." Masungit na sagot niya at saka ako natawa. Simula ng matuto kaming magmaneho ayaw na ayaw niya ng na di-distract siya.
"Pero kapag si Lucky ang tumatawag okay lang na ma distract ka?" Pang aasar ko alam kong magbabago ang mood niya kapag mabanggit ang pangalan ni Lucky.
"Of course and besides once in a blue moon lang kung tumawag yun, then why didn't i grab the opportunity if that happens? "
"Pinsan mo ko Kenneth James Ang! Pinsan mo ko!" pagpapaalala ko sa kanya sa relasyon naming dalawa.
"Girlfriend ko yun John Wesley Ongpauco!" Natatawang sagot niya. Sinasabi ko na nga ba mas pipiliin niya yun kesa sa akin na best buddy/cousin/bestfriend niya.
"Baka nakakalimutan mong una siyang na inlove saken bago sayo?" Paalala ko sakanya.
"Pakyu ka!"
"See! Pikon ka." Ako naman ang tumawa ng malakas.
"Tigilan mo ko Ongpauco. Hindi ako natutuwa sayo tandaan mo!"
"Likewise bro. See you at school." Nagsasalita pa siya pero pinindot ang end button. Uusok na naman ang ilong nun sa galit.
***F L A S H B A C K***
Sa hospital.
"Oh! Kasama ka pala nila Tito at Tita?" Nagulat si Ate Joi ng makita akong nakaupo sa waiting area na malapit sa hallway ng hospital habang nag aantay sa parents ko.
Pangalawang balik na namin ng parents ko dahil kahapon nandito rin kami. Ngayon may kailangan pang gawin na isa pang up check up si daddy.
"Hehehe sinamahan ko na alam mo naman si Mommy nerbiyosa kahit follow up check up lang ni Daddy." Natatawang sagot ko. Tumayo ako at nakipag beso sa sister ni Kenneth.