CHAPTER 42 - Switchus Rabbitsis Kennethsus Luckyme

1.4K 60 19
                                    

CHAPTER 42  

CHAPTER 42  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Buchog ang rabbit! Hahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Buchog ang rabbit! Hahaha

LUCKY'S POV

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na halik ni Kenneth sa lips ko. Dahil hirap akong idilat ang mata ko dala ng puyat napangiti nalang ako sa kakulitan ng rabbit ko. Umakap ako sa katawan niya at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Hmmm. Ambango amoy bagong paligo.

"Happy Monthsary Yab!" Gumanti siya ng mahigpit na yakap sa katawan ko. Monthsary? Kahit wala pa ako sa katinuan pinilit kong maghalungkat ng formula sa kinakalawang na utak ko para kompyutin ang nagdaang mga araw at linggo.

Salamat sa naimbento addition at subtraction nakuha ko din ang sagot na hinahanap ko. Ching!

Bakit nga ba ngayon lang kame nag celebrate ng monthsary? Sabagay suki na nga pala kami ng mga hardware sa dalas masira ng Switch dahil sa ON/OFF relationship namin ni Kenneth. Pero infairness naman kahit mahirap, masarap karelasyon ang isang Rabbit, akalain mo yun umabot pa kame ng two months straight na masasabi kong lehitimong naging kame.

So yun na nga two months na pala kaming nagkekembutan este nagmamahalan ng rabbit ko. Congrats?

"M-Monthsary na pala naten ambilis ahh?" alangang biro ko. Sensya naman kakagising ko lang, hindi scientific calculator ang utak ko para i-kompyut at bigyan ng scientific name ang relationship namin. Kung meron man siguro, ano, baka, malamang... Switchus Rabbitsis Kennethsus Luckyme. Oh diba? Yan ang epekto kapag madalas kang laspagin ng partner mo... Laspagin ng pagmamahal niya huwag kayong mag isip ng dirty.

"Psh! Kinalimutan muna agad sa sobrang dami ng mga lalake mo?" Sarkastikong sagot niya at pag angat ko ng tingin nakangiti siya saken. Kinabahan ako akala ko magtatalo na naman kami. Sa dami ng mga naging obstacle challenge ng relationship namin sana sumali nalang ako Takeshi's Castle o Survivor Philippines. But its all worth it tinupad ni Kenneth ang pangarap kong lovestory with a twist.

"Sige umpisahan mo na namang inisin ang sarili mo tapos ako na naman ang babalikan mo." Nakangiwing sagot ko.

Sepulturero ata 'to nung past life niya, ugali niya kasing magbungkal ng pag aawayan at sa huli din siya ang unang nahuhulog sa hinukay niya. Kinakabahan lang ako dahil lately palalim na ng palalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Baka umabot ako sa point na hindi na ako makaahon kapag mahulog ako sa sarili kong hukay ng emosyong namumuo sa flat na dibdib ko.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon