CHAPTER 17 - MAY THE PORES BE WITH YOU!

1.3K 54 12
                                    


Dear Seshie's,

I don't know what is that made you follow me, but thank you for doing it. Shout out to my friends na parating nag aabang ng update ko at kayang sakyan ang sapak ng ulo ko. Mahal ko kayo promise!

@TakeIt_Izzy 

@mari_DevilDancer88 

@SebastianKuroshitsuj 

@fuckyou2196 

@KimverahyunMimiII 

@GraceSalvador1  

@dhamyx


I FREAKING love you guys! - cyborgmomo




CHAPTER 17

ANDI'S POV

Ilang araw na akong hindi makatulog sa pag iisip dahil sa mga nangyayaring kawirduhan sa paligid ko. Hindi pa naman ako napapakali unless nasasagot ang mga katanungan na gumugulo sa isip ko.

Nagsimula pa 'to nung Masquerade Party.

Mas madalas pa atang mawala si Lucky at Ytchee kesa magka buking itong si Marlon. Palibhasa hindi kagandahan ang bakla hindi katulad ng angking ganda at karisma ko. Well anyway going back...

Una ang warlahan (Awayan in gaylingo) nila Wesley at Lucky ng ikasal sila.

Pangalawa. Ang madalas pagkawala ni Lucky nung party. Sino ang kasama niya? Bakit kapag bumabalik silang lahat mukha silang nalugi ng milyones sa casino?

Pangatlo. Ang bulung bulungan galore ni Kenneth at Lucky.

Pang apat. Sino ang palaging kausap ni Inday sa telepono? Hindi siya pala text o palasagot ng tawag kahit sa aming mga kaibigan niya. Madalas may tumatawag sa phone niya na Kylie ang pangalan pero hindi niya sinasagot.

Sino si Kylie? Kaibigang babae? Pinsan? O ex girlfriend niya? Ching! Baka lang kasi umanib siya sa tribu ni Fingerella noong araw kaya naisip ko lang bigla, sa kawirduhan niya hindi malabong dati siyang shibuli bago maging beki.

Dahil hindi na mapakali ang utak ko. Tinawagan ko si Marlon kahit hating gabi na.

"Hello, Momshie!" At nailayo ko ang phone sa tenga ko. Ako Momshie?!

"Hoy, bakla maka momshie mas mukha ka pang nanay na may isang dosenang anak kesa sa kin!"

"Charot lang ses! OA ha! Yung palibahasa manas yang katawan mo kahit hindi ka pa nagbubuntis." Pang o-okray niya.

"Seshie. Makinig ka mamaya na ang olayan (okrayan in gaylingo) may sasabihin akong importanteng mahalaga, mas importante pa 'to sa buhay mo na walang ka kulay kulay dahil wala ka namang lablayf!" Napaupo ako sa kama at nag suot ako ng roba at pumunta ako sa terrace ng kwarto ko.

"Punyemas ka! Ano tumawag ka para lait laitin lang ako Andres Bolivar Jr?" naiiritang sagot niya sa kabilang linya.

"Sort of. Ching! Makinig kang mabuti seshie isang beses ko lang uulitin 'to kaya umayos ka."

"Ano ba yan ses! Kinakabahan ako sa pasabog mo dalian mo baka magpadala ako dyan ng taong papatay sayo kapag pinatagal mo pa yan!" At nagtiti-tili siya ng malakas sa kabilang linya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon