Limang sunod-sunod na numero na ang nakuha mo at isang numero na lang ay panalo kana sa Lotto. Ngunit ang pananabik, ang kaba, at ang pag-asa ay napalitan ng panghihinayang nang ang abot-kamay mong premyo ay hindi pala para sa iyo...
That's what I felt when the manuscript of my group's feasibility study floated in the air—dancing and swaying together with the freezing cold wind.
Ang mga salarin ay tumakbo na patungo sa main entrance ng university. Those freaking freshmen!
"Hoy! Bumalik kayo dito!" I shouted and stumped my feet.
Lumuhod ako at halos maiyak habang pinupulot ang mga nagkalat na papel. Isang oras na lang bago ang deadline! Ipapa-hard bind ko na sana, pero minalas pa ako! My groupmates will surely burn my ass!
Hindi ko na napigilan ang sarili kaya nagmura ako. Naiinis, kinakabahan, at natataranta... Bigla na lang kumulo ang tiyan ko at parang gusto ko na lang magkulong sa CR para maglabas ng sama ng loob!
"Miss, tulungan na kita..." May bigla na lang sumulpot sa gilid ko. Si Elliot, isa sa mga varsity ng basketball team dito sa university sa Manila na pinapasukan ko.
"Kanina ko pa napapansin na nahihirapan ka na..." He added.
Pinulot ko 'yung huling papel at tumayo. Humarap ako kay Elliot. "Kung kanina mo pa pala napansin, bakit ngayon mo lang naisipang lumapit sa akin?"
Niyakap ko 'yung mga papel at umalis na. Inilabas ko 'yung cellphone ko para ipaalam kina Mikee at Alice kung saan nila ako pupuntahan.
"Kirsten, pinasa niyo na feasib niyo?" Napahinto ako. Parang binigyan ng kambal na sampal 'yung kaklase ko sa sobrang pula ng mga pisngi niya. He's blushing, obviously. Nasa likuran niya ang mga kaibigan niya at halos mabali ang mga leeg nila kakasilip sa akin.
Ipinakita ko sa kanya 'yung mga papel na hawak ko. "Hindi pa. Ipapa-hard bind ko pa," matipid na ngiti ang iginawad ko bago ko sila nilagpasan.
Bumalik ako sa internet shop para ipa-reprint 'yung mga pahina na nadumihan. Mabuti na lang at hindi tataas sa sampung piraso ang mga iyon.
Inabot ko 'yung isang daan sa lalakeng nagbabantay. Ibinalik niya iyon sa akin.
"Libre ko na 'yan, Miss. Malaki-laki na kinita ng shop ko sa dami ng pina-print mo kanina..." then he smiled at me.
So, siya pala ang may-ari nito. Tumango ako at ibinulsa 'yung isang daan.
Ngumiti ako. "Salamat po kung ganoon..."
Nilagay niya sa tapat ko ang maliit na piraso ng papel at ballpen. "Paki-sulat naman 'yung Facebook mo. Gusto sana kitang i-add..."
Nagulat ako nang nagsi-tayuan 'yung mga lalake na naglalaro ng DOTA. Kumunot ang noo ko. Ang alam ko ay ayaw ng mga lalake ng istorbo kapag naglalaro sila... Sigurado ako dahil DOTA ang sanhi kung bakit nakipag-hiwalay si Alice sa ex-boyfriend niya.
Sa huli ay umiling ko. "I don't have a Facebook account, but you can visit my fan page po..."
I lied. Of course, I have Facebook, but I just don't share or give it away like that. It's too personal...
Sinulat ko sa papel ang fan page na ginawa ng fans ko. I smiled once again before I left.
Sunod ko namang pinuntahan 'yung printing shop para magpa-hard bind. Kailangan nang ipa-rush kaya tatanggapin ko kahit mas mahal ang babayaran ko. Tutal ay buo pa naman ang isang daan ko. Isa pa, ito lang ang maitutulong ko sa grupo bukod sa pagbibigay ng panggastos para sa mga pagkain at pamasahe sa tuwing pinupuntahan nila 'yung site na napili namin. Bilang isang model at extra sa mga tv show, ilang linggo akong abala sa photoshoots at shootings kaya hindi ako nakakapunta sa meetings at nakakasama sa sleepovers nila.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...