Catanauan Island was our first stop. Para kaming mga batang ngayon lang nakalabas kung magtampisaw doon.
"Picture tayooo!" sigaw ni Avery habang pinaglalaruan 'yung starfish.
Nag-presinta 'yung kasama naming tour guide na kuhaan kami ng litrato. Nag-unahan kami sa paglapit kay Avery. Muntik pang sumubsob sa tubig-dagat si Alice sa sobrang pagmamadali. Lumingon ako sa pag-aakalang si Mikee ang nasa likuran ko, pero si Elliot pala iyon. Nag-adjust naman ang katabi niyang si Aerand para magkasya si Azure sa gitna nilang dalawa.
"Ma'am, tingin ka po dito!" tinawag ako ng tour guide kaya sa camera ko itinuon ang aking atensyon.
Naka-ilang shots si Kuya. When he approached Alice, 'agad ako kumawala kina Elliot at Azure. Hinagilap ng mga mata ko si Mikee. Medyo napalayo siya sa amin kaya sinisid ko ang distansya naming dalawa.
"Mikee, ba't 'di ka sumali sa picture taking?" tanong ko sa kanya nang makaahon.
Bumaba ang tingin niya sa akin. "Can we pretend that we're together, Kirsten? I'm so lost..."
Batid ko ang kalungkutan niya. Pumihit ako sa direksyon ni Alice. She was laughing with James. Binuhat pa siya nito patungo sa likuran ng isang malaking bato.
"Paano, Mikee? Alice will never believe that something's going on between us if you two were doing 'it' behind my back..."
Ang sinabi ko ay parang bomba na sumabog. Napatingin si Mikee sa mga kasama namin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palayo para walang makarinig sa pag-uusapan namin.
"Y-You knew?" hindi siya makatingin sa akin.
Humampas sa amin ang alon kaya hindi 'agad ako nakapagsalita. "May pakiramdam ako, Mikee. Kilalang-kilala ko kayo ni Alice. You can never hide it from me. Hindi ko alam, pero paano nagbago ang pananaw mo?"
Sumandal si Mikee sa maliit na bato. Ginaya ko siya. Malinaw na malinaw sa akin na kahit ang kaibigan ko ay hindi rin alam ang sagot sa tanong ko.
Nilakasan ko ang loob kong itanong sa kanya ang matagal nang bumabagabag sa akin. "M-Mahal mo na ba si Alice?"
Doon lang napatingin si Mikee sa akin. Kitang-kita ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata. That's it. He loves her.
Sinubukan kong lumapit kay Mikee para sana yakapin siya, pero iba ang kanyang ginawa. He cupped my face and pulled me towards him. Napapikit na lang ako nang malasahan ko ang maalat niyang halik gawa ng kanyang mga luha.
Bahagya akong itinulak ni Mikee. "I-I'm sorry, Kirsten..."
Bago pa man siya makaalis sa pwesto niya ay biglang umahon sa harapan namin si Alice. Galit na galit siya at bago pa man makapagsalita si Mikee ay ipinatikim niya na sa akin ang isang malakas na sampal. Sa sobrang lakas niyon ay napa-atras ako at tumama ang aking likuran sa bato. Wala akong ibang marinig kundi ang pagmumura ng mga lalake at malalakas na tili ng mga babae.
"Oh, gosh, Kirsten! Naubusan ka na ba ng lalake kaya pati si Mikee ay pinatulan mo na?" sigaw ni Alice sa mukha ko. Mikee was trying to pull her away, but she's so strong.
Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na dumikit sa kaliwang pisngi ko. Pinantayan ko ang galit ni Alice. "Really!? Ako dapat ang magsabi niyon sa 'yo! You know nothing, Alice!"
Hinampas ko ng malakas ang tubig bago ako sumisid papunta sa dalampasigan. Wala akong pakialam kung natamaan man sa mukha si Alice, si Mikee, at ang iba naming kasama na nakalapit na doon.
Pag-ahon ko ay nasa gilid ko na si Azure. Sinabayan niya ako sa paglalakad. Isinisigaw naman ni Elliot ang pangalan ko sa 'di kalayuan. Pinunasan ko ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. Pagsasabihan ko na sana si Azure na layuan muna ako nang bigla niyang ipinulupot sa katawan ko ang dala niyang tuwalya. Nakaramdam ako ng hapdi dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...