Umalingawngaw ang hikbi ko at hindi inalis ang tingin sa sasakyan sa unahan. Hinawakan ng mahigpit ni Azure ang aking kamay habang pilit kong tinatanaw ang mga pinsan ko kahit tinted ang sasakyan.
Mga pinsan ko... I couldn't believe that I have cousins! Ang magkapatid na sina Symphony at Harmony ay mga pinsan ko! Kadugo ko! Totoong mga pinsan ko!
Sobs wracked my body. My head was literally aching as I cried my heart out.
Namula ang mga mata ni Symphony. "Y-You're Ate Maxine!?"
Nasa bibig naman ni Harmony ang kanyang kamay. She's crying. She looked at me and her eyes wouldn't even blinked.
I am Maxine Hannelore Heytzenstein Schmidt. I'm not even sure about that. Banyaga sa aking pandinig ang pangalang iyon...
"B-But how did this happen?" Nasa kay Azure ang atensyon ni Symphony. "Please, tell us the truth! Ate Maxine died long ago! And we're still mourning even up to this day! Alam kong magkamukha sila ni Tita Melanie, but please, kung biro lang ito ay itigil niyo na!"
I cried harder. Tumingin ako kay Azure at pinisil ang kanyang braso. Please, sabihin mo na ako nga si Maxine at hindi ito isang pagkakamali! Ako si Maxine, 'di ba? Ako 'yon! Ako ang matagal nang nawawala at sila ang matagal ko nang hinahanap! Please! Matagal ko nang hinintay at ipinagdasal ang pagkakataong ito! Uhaw na uhaw ako sa katotohanan at hindi ko na alam ang mangyayari kung isang malaking akala lamang ito!
Dalawang bisig niya na ang yumakap sa akin. Dinala niya ako sa kanyang dibdib at bumaon ang mukha ko doon. Hinalikan niya ang ulo ko at niyakap pa ng mas mahigpit.
"Maxine is still alive. The woman who grew up as Kirsten Buenaflor is the real Maxine. Now can we go to your house? Melody Travilla is waiting for us," ani Azure.
"What!? Mom knew about this!" bulalas ni Harmony.
I'm bawling my eyes out. Mahapdi na ang mga mata at masakit na ang lalamunan ko, pero nilukob naman ng kagalakan ang kalooban ko nang narinig ang pagkumpirma ni Azure sa tunay kong pagkatao.
"I'll get Isla. Will you be okay here?" bulong ni Azure. Hinawakan niya ang mga balikat ko at dahan-dahan akong inilayo sa kanya.
Pinunasan niya ang mga pisngi ko. Tumango ako at hinarap ang magkapatid na sabik na sabik sa aking atensyon. They're both crying and the moment Azure left, they immediately threw themselves at me. I broke down again. Bigla na lang akong nakaramdam ng ginhawa at kapayapaan habang niyayakap ang dalawa.
"Ate Maxine!" paulit-ulit nilang binigkas ang pangalang nararapat para sa akin.
Itinukod ko ang baba ko sa pagitan ng kanilang mga balikat at yumuko. I smiled and cried some more as they hugged me tighter.
"I'm so happy..." napapaos kong sinabi.
Ganito pala ang pakiramdam 'pag nakadaupang palad ko na ang aking tunay na mga kadugo. Words aren't enough express what I really feel right now. Tanging pag-iyak dahil sa kagalakan ang nangibabaw mula sa aming magpipinsan.
Buong buhay ko, nangarap ako na balang araw ay makikita ko rin sila. Oo, pangarap talaga dahil napaka-imposible at napakahirap nitong abutin. Pangarap na gusto ko nang sukuan dahil hindi naman magiging katotohanan. Pero ngayon gabi? Nagkatotoo ang pinaka-aasam ko. Nangyari sa hindi inaasahang oras at pagkakataon. Naganap kung kailang hindi ako umaasa. Natupad dahil hinayaan ko ang Panginoon na magdikta ng tadhana ko.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...