Kinuha ko ang hairbrush at nagsimulang suklayin ang basa kong buhok. Tiningnan ko ang repleksyon nina Alice at Mikee sa salamin. Mabuti pa sila, mahimbing na natutulog. Hindi katulad ko na halatang puyat dahil tatlong oras lang natulog.
Tinapos ko ang pagsusuklay. Tumayo ako at nilapitan ang dalawa.
Tinapik ko ang braso ni Alice. "Gising na, Alice. Alas tres na. Pupunta pa tayo sa Bulacan."
Dahan-dahang minulat ni Alice ang kanyang mga mata. She blinked twice, tila namamalikmata sa nakikita.
"Unahan mo na sa pagligo si Mikee. Alam mong matagal kumilos 'yon."
Inangat niya ang mga kamay niya sa ere. Ngumisi ako at hinawakan ang mga 'yon para hilahin siya patayo.
"Good morning! Bitin ang tulog ko!" Aniya habang humihikab.
"Good morning, too! Sa biyahe mo na ipagpatuloy ang naudlot mong tulog," binigay ko sa kanya ang kanyang tuwalya. Sinabit niya iyon sa balikat niya.
Bumalik ako sa vanity table para makapag-ayos na. Alice was stretching her arms and legs when I looked back at her.
"I didn't know what happened with your friendly date with Yuan. When will you tell us, Kirsten?"
Napahinto ako sa paglalagay ng moisturizer. Kailangan kong harapin si Alice lalo na 'pag ganito siya ka-seryoso.
Hinila niya ang monoblock chair at itinabi iyon sa akin. "He likes you, did he confessed? Was it about Isla? Your career?"
There, Alice. It was about my career.
Sinandal ko ang likuran ko sa upuan. Dapat ay sasabihin ko muna ito kina Nanay, pero nandito na, eh.
"Yuan's family runs the biggest acting workshop in L.A. He wanted me to spend half a year—"
Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang akong inalog ni Alice.
"Oh my God! What was your response, Kirsten? Are you going to L.A? I hope you said yes!"
Natawa ako. "Pag-iisipan ko pa, Alice. Gusto ko, kaya lang ay maiiwan ko naman dito ang mga taong mahal ko."
Baby pa si Isla. I want to be there when she take her first step. 'Pag nasabi niya na ng maayos ang "mama". 'Pag kaya niya ng kumain ng solid food. Gusto ko masybaybayan lahat. Pero kaya nga ako nandito sa industriyang ito dahil sa kanya. Para maibigay ko ang mga pangangailangan niya dahil iyon ang nararapat. Simply, because my daughter deserves everything.
"Kasama ba sa mga mahal mo si Azure?"
Pareho naming nilingon ni Alice si Mikee. Naka-upo na si bakla at mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin.
Ngumiwi ako. "Pero seryoso, 'pag pumayag sina Nanay, tatanggapin ko ang offer ni Yuan. Para sa anak ko."
Napangiti silang dalawa. Nahawa ako kaya napangiti na rin ako. Nakakatuwa dahil suportado nila anuman ang maging desisyon ko.
"O siya, maliligo na muna ako," ani Alice.
Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos. Alam ko kung paano ayusan ang sarili ko. Mikee taught me. 'Yon nga lang ay mas magaling siya kaysa sa akin.
May tumatawag na crew sa labas ng tent namin. Hinayaan ko si Mikee tutal ay nag-presinta naman siya.
"Breakfast time! Tamang-tama at gutom na 'ko!" Inilapag ni Mikee sa maliit na lamesa ang tatlong brown bag galing sa kilalang fast food chain.
Tapos na ako sa pag-aayos kaya sinaluhan ko sa pagkain si Mikee. Sabay na natapos sa paliligo at pagkain sina Alice at Mikee.
"Finally! Kaloka ka, Alice! Makapal ba ang libag mo at natagalan ka sa loob?" kumuha ng panibagong tuwalya si Mikee. Nag-irapan pa sila ni Alice bago siya pumasok sa shower room.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...