Chapter 59

2.3K 68 1
                                    

My parents' bodyguards escorted us to the police station. Medyo nahuli kami dahil kinailangan pang ayusin ni Kuya Marc ang gusot na nangyari sa hotel. I was expecting that I would see reporters when we arrived kaya hindi na ako nagulat pa. Bago kasi kami umalis sa hotel, may mga nag-aabang na sa labas. Mabilis na kumalat ang balita at marahil ay natunugan nila na sa istasyon kami ng pulis tutungo kaya mas marami ang mga naghihintay dito ngayon.

Pinaligiran kaming lahat ng mga bodyguard ng pamilya ko at nina Tita Melody habang naglalakad. Tirik na tirik na nga ang araw, sumabay pa 'yung mga flash na nanggagaling sa camera. We're used into this kind of situation so none of us flinched. After all, my family has done so many interviews. But it's annoying when the reporters keeps on bugging us. Tulad na lang ngayon.

"Kirsten, is it true that you're the daughter of Mr. and Mrs. Schmidt?" the male reporter emphasized our surname.

"The real Maxine Schmidt died long ago. How come na ikaw ang babaeng anak ng mga Schmidt?" tanong na ibinato ng baklang reporter ng PEN.

Si Tita Melody ang sumagot. "She rose from the dead!" Tumawa siya. "Please, don't ask if it's obvious enough."

Maliit na pintuan ang papasukan namin sa presinto kaya hindi na nagpumilit pa ang mga reporter. Sa halip na sumabay sa amin si Kuya Marc, nagpa-iwan siya saglit sa pintuan kasama ang iilang bodyguard.

"My sister can't answer your questions right now. Give our family some time, please? Thank you everyone!"

Pinapunta nila kami sa lounge area. Medyo nakaramdam ako ng antok kaya sumandal muna ako sa balikat ni Harmony. Umayos siya sa pagkaka-upo para maging kumportable ako.

"Thank you..." I said and yawned.

She smiled "You're welcome, Ate," pagkatapos ay cellphone na ang inatupag niya. She's texting Seija. Nabasa ko ang palitan nila ng mensahe at masasabing kasalukuyan silang nag-aaway.

Gano'n rin ang ginagawa ni Symphony na katabi naman ni Harmony. Tinigilan ko na ang pagbabasa ng palihim at nakinig na lang sa usapan nina Mommy. Parating na raw ang abogado ni Veronica. Samantalang ang abogado ng pamilya namin ay kausap nila ngayon.

Ayon sa mga pulis, kasalukuyang hinihingi ang salaysay ni Veronica. Pagkatapos niyon, kakailanganin naman ang kanyang fingerprints bago tuluyang kuhaan ng mugshots.

I texted Azure before I could fall asleep. 'Yon nga lang ay nauna na siyang mag-text. Actually, naipon na no'ng nasa hotel pa lang kami.

From: Hubby

Tell me you're okay.

My family's here. I was restless so they came over to look for Isla.

I love you. 

I love you so much.

I really do.

Binasa ko naman ang panibagong text na galing sa kanya.

From: Hubby

I just saw the news! Ginigitgit ka ng mga reporter! Ayos ka lang ba?

Napangisi ako. Oh, Azure! Nag-reply ako bago pa siya masiraan ng bait sa pag-aalala.

To: Hubby

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon