Chapter 28

1.9K 75 19
                                    

Sumilip ako sa rear view mirror. Tulog na tulog pa rin sina Mikee at Alice. Hmp! Mabuti pa sila! Samantalang ang driver nila ay mukhang panda dahil puyat na puyat!

"NLEX na!" sabi ko para magising ang dalawa sa likuran.

Nagda-drive ako ngayon papunta sa Marilao, Bulacan. Dadalawin ko sina Nanay at Tatay. Miss na daw ng dalawa sina Nanay kaya sila sumama.

"Gising na kayo!" sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit puyat na puyat ang dalawang ito. Siguro ay naki-party pa. Hindi ako nagtatampo kasi hindi nila ako sinama. Mas mabuti na rin na wala ako sa party kagabi (kung meron man) dahil kaiinisan lang ako ng lahat sa pagiging party pooper ko.

Hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari kagabi pagkatapos naming mag-usap ni Azure. Nagpa-uwi kaagad ako kasi hindi ko kinaya ang nangyari. Masyado akong nasaktan. Ibinigay na lang tuloy namin sa mga coordinator ang donation ko.

Bago kami umalis sa hotel ay nabanggit sa akin nina Alice na nakita nilang umalis 'agad doon si Azure. Dumalo lang talaga siya sa charity event para makita ako at pagbantaan.

Pinilig ko ang aking ulo. Binuksan ko ang radio. Tinodo ko ang volume para magising na ang dalawa. Bored na ako at baka makatulog din kung walang kakausap sa akin.

"Kirsten! Istorbo ka kahit kailan" sigaw ni Mikee.

Tumawa ako. "Nasa Marilao Exit na tayo, Ma'am, Sir," sabi ko para tumigil sila sa pagwawala.

"Ano'ng eksena mo, teh?!" nakasimangot si Mikee habang ikinakabit ang nahuhulog niyang falsies.

"Sana ginising mo na lang kami 'pag nasa inyo na tayo!" inirapan ako ni Alice. Tumawa ako. 'Di nagtagal ay tumawa na rin siya.

"Dadaan pa kasi tayo sa SM Marilao. Nakalimutan natin bumili ng pasalubong," binalewala nila ang sinabi ko. Nilingon ko sila. Kaya pala. Busy na naman pala sila sa pag-aayos.

"Hindi event ang pupuntahan natin. Okay lang siguro kung hindi niyo masyadong paghandaan, ano?" para akong hangin. Hindi man lang nila ako pinapansin.

Narinig ko ang daing ni Mikee. Natusok na 'ata ang mata niya ng falsies. Si Alice naman ay may kausap sa kanyang cellphone.

"Oo nga pala, nakalimutan ko magdala ng extra'ng damit. Pahiramin niyo na lang ako, ah?" ani Mikee.

"Hindi kasya ang damit ko sa 'yo. Kay Alice ka manghiram. Mahilig 'yan sa malalaking t-shirt," sagot ko habang inililiko ang sasakyan papasok sa parking area ng SM Marilao.

Inilayo ni Alice ang kanyang cellphone para makisali sa usapan namin. Nagkatinginan kami ni Mikee. Sino naman kaya ang kausap ng babae'ng 'to?

"Madami akong dala na t-shirt. Pahihiramin kita," aniya at itinapat ulit ang cellphone sa kanyang tainga.

Nagpa-iwan si Mikee sa kotse kaya kami lang ni Alice ang pumasok sa mall. Inutusan ako ni Alice na magsuot ng sunnies para walang makakilala sa akin. Kung meron man, kaunti lang ang mga taong 'yon.

"Bilisan na lang natin. Mahirap na, Kirsten. Hindi tayo pwedeng magtagal dito," bulong niya.

Tumungo kami sa Barrio Fiesta. Pinili ko dito para marami ang idadagdag sa mga niluto ni Nanay.

"May itatagal pa ba? Ang tagal, Alice!" reklamo ko.

Kasalukuyan kaming naghihintay sa isang table para sa mga in-order namin. 25 minutes na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay wala pa ang mga pagkain!

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon