Sa sobrang pagbababad sa cellphone ay nakatulog ako. Si Avery lang ang may lakas ng loob na gisingin ako. She told me that we're having a beach bonfire party.
"Nangisda sina Azure kanina. Kumakain ka ba no'n? May barbecue naman kung ayaw mo ng isda," aniya habang pinapanood ang pagsusuklay ko.
I've decided to wear my chiffon tank top, shorts, and stappy sandals. Mainit ang panahon, hindi ko na kailangang balutin ang katawan ko. I won't stay there for too long. Iipunin ko ang lakas ko para sa party ni Alice bukas.
"Kumakain naman ako ng isda, Avery. Nga pala, nando'n na ba ang mga kaibigan ni Alice?" hinila ko ang pinto at ni-lock iyon. Avery and I went to the elevator.
"Yup! You know Rebecca, right?" nangasim ang mukha niya pagkatapos banggitin ang pangalan ng kaibigan ni Alice.
"Oo, kasamahan 'yon ni Alice sa trabaho. Ba't mo naitanong?"
Hinintay muna ni Avery na makalabas kami sa elevator bago niya sinagot ang tanong ko. Malakas ang kutob ko na hindi niya gusto si Rebecca. She's the bitchy-type and she's arrogant, too. I was never rude to her, but I didn't act like I like her either. Sa tingin ko ay ramdam niya iyon.
Nagsimulang mag-kwento si Avery habang bumababa kami sa hagdang bato na magdadala sa amin patungo sa dalampasigan. Mula sa aming pwesto ay natatanaw ko na ang malaking apoy sa gitna. Nakapalibot doon ang mga upuan. Nasa gilid naman ang mahabang lamesa at ihawan na pinagkakaguluhan nina Alice.
"Tinanong niya sa akin kung may girlfriend ang kapatid ko. I told her the truth! Sinabi kong wala, pero may nagugustuhan si Azure. And that delusional girl asked me to set them up! Hell no! I just couldn't do it! I am push-y and annoying sometimes, but I know when to stop. Ayaw kong pangunahan ang kapatid ko. Matanda na siya at alam niya ang ginagawa niya."
Napahinto kami ni Avery. Mas lalo akong nainis kay Rebecca sa nalaman ko! Wala naman talagang makakaligtas sa kamandag ni Azure. Kahit magmistulang poste ay nakak-agaw pa rin ng atensyon. I even caught Alice and Mikee gawking at him. Ito pa kayang si Rebecca na pinagpasa-pasahan at natikman na ng karamihan sa department nila?
"Pero mapilit talaga 'yung Rebecca! Kikilos naman 'agad ang kapatid ko kung pasado siya sa standards niya, eh. He's just not interested and he finds her boring. Period." pagpapatuloy niya.
Ngayon lang ipinakita ni Avery ang side niyang ito. She's matured and... brutally honest! Pareho lang sila ni Azure na prangka.
Tumagilid ang ulo ko. Madilim at malayo man ay alam kong nakatingin sa direksyon namin si Azure. Naka-upo siya at kapansin-pansin ang paglapit ni Rebecca. He was holding a glass of wine. Pinaikot-ikot niya ang laman niyon, samantalang nagku-kwento naman ang katabi niya. Inubos niya ang wine, ang mga mata'y nananatili sa akin. Nagsalin uli siya, mas marami kaysa sa nauna. Nilagok niya lahat nang hindi kumukurap. Humalakhak si Rebecca na para bang may nakakatawa sa sinabi niya, subalit gaano man kalakas ay hindi niyon kayang baliin ang paninitig ni Azure sa akin.
Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Bahagya pa akong nagulat nang makitang pinanonood ako ni Avery. Damn it! Staring at me is their thing, huh?
"P-Pardon me, Avery, pero bakit mo ito sinasabi sa 'kin?"
Napahinto siya. "Hindi ka naman manhid, Kirsten. Sa ating dalawa, dapat mas alam mo ang dahilan kung bakit iba ang pakikitungo ni Azure sa 'yo. Dapat may idea ka na. Dapat alam mong ikaw ang gusto niya."
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...