Naging abala ako sa loob ng tatlong araw bago ang kasal nina Mikee at Alice. Sa loob rin ng mga araw na iyon ay ang pag-alis nila sa unit ko. Gusto nilang lumipat sa bago nilang bahay bago sila ikasal para maisayos na ang mga kagamitan doon.
Some of my photoshoots and contract signings were done. Nag-audition din ako para sa re-make ng isang Korean drama. Iyon ang napili ko dahil nakaka-relate ako sa plot. And I was chosen to portray the role of the protagonist.
"Thank God! We found her!" ani Direk Raquel Vicente, ang direktor, pagkatapos kong basahin ang iilang linya. Hinimas niya ang kaniyang malaking tiyan at nginisian ako.
Pumalakpak ang mga tao na nandito sa studio. Halos kumpleto nga sila, eh. Nandito ang direktor, ang assistant director, ang casting director, ang writer, ang scriptwriter, at ang producer. Ang balita ko pa ay ilang araw na silang naghahanap ng gaganap para sa karakter ng bida.
"Upo ka muna, Kirsten," tinapik ako ni Direk Raquel sa braso. "Okay, sa antagonist naman tayo!" She clapped her hands. Tumayo 'yung mga mag-a-audition para sa role ng kontrabida.
Ngumiti ako nang nadaan ang long table kung saan nakaupo ang mga bumunuo ng drama na gagawin namin. Tumungo ako sa upuan kung saan naka-upo si Jemelee. Inabot niya sa akin ang bote ng mineral water.
"Thank you," sabi ko at lumagok doon.
Humilig siya sa akin. "Congrats, Miss! You got the part!"
I smiled. "Salamat, Jem!"
Uminom ulit ako ng tubig at pinanood 'yung unang naka-salang sa harapan. Nang bumukas ang glass door ay napahinto ang lahat at napatingin doon.
"You're late, Miss Catherine!" sigaw ng casting director.
Taas-noo na pumasok si Catherine Ongpauco kasama ang kaniyang personal assistant. Tila may preno sa kaniyang katawan nang nakita ako. 'Agad siyang nag-iwas ng tingin.
Tumikhim siya. "I'm sorry po. Traffic kasi. It won't happen again."
"What a lame excuse!" Si Direk Raquel. "Hindi pa nga tayo nagsisimula!" Nilapitan na siya ng assistant director para pakalmahin.
"I'm sorry again," ani Catherine. Nakayuko siya habang naglalakad papunta sa mga gustong maging kontrabida.
Nang kumalma si Direk Raquel ay nagpatuloy ang audition. Si Catherine Ongpauco ang napili para sa role ng kontrabida.
"Hindi ka na pwedeng ma-late sa susunod, Catherine," paalala ni Direk sa kaniya.
Tumango siya at muling humingi ng paumanhin. Nang pagkakaton na ng mga supporting actors para mag-audition ay umupo si Catherine sa tabi ko.
She crossed her legs and looked at me. "So you're back. May pasalubong ka galing sa L.A.?"
Dinikit ni Jemelee ang sarili niya sa akin para makinig sa usapan. Ang personal assistant naman ni Catherine sa gilid niya ay umirap.
"Oo, may dala akong pasalubong para sa pamilya at mga kaibigan ko," I said.
Namilog ang bibig niya at nag-iwas ng tingin. Umupo ako ng maayos at nanood na lang sa nangyayari sa harapan.
Nang kumpleto na ang buong cast ay kinausap kami nina Direk para sabihin na bukas gaganapin ang contract signing.
"Be here at exactly 10 in the morning. No late comers. No excuses," she reminded us.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...