Naglakad ako habang sinisipat ang duguang damit. Hawak ang dos por dos ay matapang kong hinarap si Giselle na nakatayo sa 'di kalayuan.
"Come on! Hit me! I'm not scared!" tumawa siya ng parang nababaliw.
My hand trembled. Bakit parang sa akin niya iyon pinaparating at hindi sa karakter ko sa pelikulang ito?
She's really scary right now. May benda ang kanang braso niya dahil pinalabas na putol ang kanyang kamay. Blood was dripping all over her face and even her teeth has it, too. Gosh! If I didn't know that those blood was fake, that bandage was just a prop, and that she isn't insane even though she's acting like one, I would scream and run as fast as I can by now.
"Cut!" sigaw ni Direk at lumapit sa akin. "Kirsten, susugod ka 'agad sa kanya 'pag sinabi niya iyon! Again!"
"Sorry po!" lumunok ako at nag-focus sa ginagawa. I can't mess this up. Guni-guni ko lang iyon.
Binanggit ni Giselle ang mga katagang naging hudyat ko para sugurin siya. Pinalabas kong may puwersa ang paghampas ko ng kahoy sa ulo niya. Nang natumba siya ay hinawakan ko naman ang kanyang kaliwang kamay saka siya kinaladkad patungo sa pinto kung saan nag-aabang si Nikki.
"Cut! Gan'yan dapat!" puri ni Direk.
Nilingon ko si Giselle at naglahad ng kamay para tulungan siyang tumayo ngunit tiningnan niya lang iyon.
"Nasaktan ako sa pagpalo mo sa 'kin, pero okay lang. Trabaho lang 'yon," aniya at nilagpasan kami ni Nikki.
I couldn't believe that she's hurt! Ni hindi nga dumampi sa ulo niya 'yung kahoy, eh!
Hinila ako ni Nikki at luminga-linga bago bumulong. "Natamaan ba talaga?"
"No! Ginawa ko ang tinuro ni Direk para hindi siya matamaan kaya nakapagtataka kung bakit niya nasabi 'yon!" giit ko.
"Maybe she's just overreacting. Too bad 'cause we couldn't kill her character yet," ngisi niya.
Ipinagpatuloy namin ang naputol na eksena pagkatapos ng tatlumpung minutong break. Sa mga oras na iyon, ramdam na ramdam ko ang malamig na pakikitungo ni Giselle sa akin. I wonder why? I'm cool with her. Nilinaw ko na sa kanya 'yon, pero bakit ganito ang trato niya sa akin? I'm gonna laugh really hard kung sasabihin niyang ang scene namin kanina ang dahilan.
"Don't play games with me! You'll pay for what you did!" sigaw niya habang hinihila ang buhok ko.
Nagpumiglas ako. "You deserved it! You started everything so you'll have to end it!"
Tumayo si Nikki at siya naman ang humila sa buhok ni Giselle. Sinipa niya ito sa binti at natitiyak kong doon talaga siya nasaktan hindi sa ginawa kong pagpalo ng kahoy sa ulo niya kanina.
"Bitch! Sa tingin mo ba matitinag ako dahil lang naungusan mo ako? Pagbabayaran mo 'to! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" inabot niya ang dulo ng buhok ko at pumaibabaw siya sa akin.
Napailing ako. Wala sa script 'yon! Iba na naman 'yung sinabi niya!
Sumigaw si Direk at 'agad kaming pinahinto. "What did you say, Giselle? I said no Ad-libs! Gumagawa ka ng sarili mong eksena! You want to follow what's on your mind? Then get out and make your own movie! Again!"
Natauhan si Giselle at paulit-ulit na humingi ng tawad. Katwiran niya ay mas naaayon sa eksena 'yung mga sinabi niya kanina.
Umirap si Direk, nagpupuyos na sa galit dahil kanina pa nagmamarunong si Giselle. "Be professional, Giselle! Binabayaran ka ng malaki dito kaya gawin mo ng maayos ang trabaho mo!
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...