Azure and I walked hand-in-hand. Mas lalong umingay sa pavilion gawa ng videoke. Si Tatay ang bumibirit ngayon. Todo palakpak naman ang mga kaibigan niya kahit pumipiyok at kinakapos na siya ng hininga.
"Ang tagal niyo naman? Ano ba'ng ginawa ninyo?" bungad ni Nanay na ikinabigla ko.
I elbowed Azure. "Kirsten fell asleep, Tita," sagot niya.
Hindi na nagtanong pa si Nanay. We followed her to the pavilion and my father's friends immediately handed the whiskey to Azure. Inagaw ko 'agad 'yung shot glass. Natawa si Azure at humingi na lang ng paumanhin sa kanila.
"Hindi pa po pwede! Hindi pa 'yan kumakain!" awat ko pero sinabihan lang akong 'KJ'.
Nakuha ni Robert ang atensyon namin nang tawagin niya si Azure. "Dito tayo, p're!" itinaas niya ang bote ng alak at sumenyas na lumapit kami doon.
Kinagat ko ang labi ko. No one can order Azure around aside from me. Kaya tinanggap muna niya ang paper plate na ibinibigay ni Nanay sa kanya bago nilingon si Robert.
"Mamaya, p're! Kakain muna kami ni Kirsten," he marked his territory by planting a soft kiss on my head. Wala namang nagawa si Robert kundi ang tumango.
Bumungisngis ako. "Ang plastik mo!"
"I could punch his face, but I didn't. And so I guess it was fine," may ipinagmamalaki niyang tugon.
"Yabang..." bulong ko.
Abala kami si Azure sa paglalagay ng mga pagkain sa paper plate ko nang nagpakita sina Avery, Mikee, at Alice. Alright. Here we go again... I could really feel the awkwardness in the air. Lalo na sa pagitan ni Alice at Azure.
"Azure, paki-abot naman 'yung thong para sa manok," kaswal na utos ni Alice.
Saglit na nag-angat ng tingin si Azure bago ibinigay 'yung thong sa kalmadong si Alice. Then he shrugged his shoulders when he noticed that I was looking at him.
"Avery, punta lang ako sa table natin. 'Tsaka paki-dagdagan naman 'yung lasagna," said Mikee.
Avery licked her upper lip and nodded. Nang nakita ang pagpayag ni Avery, bumaba 'agad si Mikee at tumungo sa pool area kung saan nakalatag ang mga lamesa at mga upuan. Si Alice naman ay nananatili sa tabi ko.
Paano na kaya ito? Ang hirap kapag bad shot na si Azure sa mga kaibigan ko. And I know that Mikee won't just let it go. He'll confront Azure for sure. Because for the first time, someone finally said it out loud.
Sumunod 'agad kami kay Mikee sa lamesang naka-laan para sa aming magkakaibigan. I had to make sure that my boyfriend and my friend wouldn't be able to grab each other, and so I seated in the middle.
"Try niyo 'yung baked mussels!" ani Avery nang nagsimula kaming kumain.
Nasa gitna naming lahat ang paper plate na punong-puno ng baked mussels. Kumuha si Azure para sa aming dalawa. I said 'thanks' bago tinikman ang ipinagmamalaking tahong ni Avery.
"Masarap! Basta may cheese, masarap!" sabi ko habang sinisimot 'yung keso.
Ngumiwi si Alice. "Lahat naman masarap sa 'yo, eh! 'Tsaka 'wag ka masyado sa dairy."
Lumabas ang hangin sa mga butas ni Azure habang pigil na pigil ang kanyng pagtawa. Hinagis ko 'yung shell ng tahong sa inilaang basurahan para doon.
"Kung makapag-bawal ang mga 'to!" Umirap ako. "Threatened lang kayo dahil baka maubusan kayo!" matalim na tingin ang ibinigay ko sa mga plato nina Avery, Alice, at Azure. Punong-puno ng tahong ang mga iyon na animo'y mauubusan kaya dinamihan nila ang pagkuha.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...