Chapter 46

1.8K 69 0
                                    

Isla's birthday venue was located at BGC. The big pavilion can house up to 200 guests, pero hindi man lang umabot sa isang daan ang mga inimbita namin.

We are now walking at the center as the guests were chanting my daughter's name. The joy in her eyes was just truly priceless. Lalo na nang pumasok kami sa loob ng pavilion. Pastel colors are everywhere. Tamang-tama ang dami at ang pwesto ng mga dekorasyon ayon sa gusto ko. Perfect! Just perfect!

Ang stage ang may pinakamaraming dekorasyon. Makikita sa gitna ang tatlong upuan. No, they're not just an ordinary chairs, they're more like a thrones. Ang nasa gitna, ang pinaka-maliit ay para kay Isla. Nasa likod ng mga upuan ang pamilya ng limang unicorn na iba't iba ang laki. Sa likod ng mga iyon ay ang mas elevated na bahagi ng stage kung nasaan ang malaking LED backdrop na may mukha ni Isla.

Sa kanan ng stage ay ang lamesa kung saan inilagay ang three-layer cake ni Isla na pinalibutan ng cupcakes at sweet treats. Ilang dipa ang layo ng mga bata'ng nagpapa-face paint doon. Nasa kaliwa naman ng stage ang mga lamesa para sa mga regalo, mga pa-premyo, souvenirs, at giveaways. Hindi nalalayo sa mga lamesa na iyon ang buffet table.

And now that we've reached the end of the red carpet, inilapag na ni Azure si Isla sa maliit na trono sa gitna. Ang kulay ng mga suot naming dalawa ay ibinigay namin sa rouge pink tulle ball gown ni Isla. Our princess was also wearing a beautiful tiara. Halter dress naman ang suot ko. Si Azure naman ay naka-slacks at rouge polo. Pareho kaming may suot na pulang kapa at mga korona.

"The royal family has arrived," anunsyo ng host sa mga bisita.

Some of them clapped their hands. Ang mga kaibigan ko lang naman sa table sa unahan ang malalakas ang loob na tumawa. Ngumisi ako. This is my idea, alright? Papanindigan ko talaga ito hanggang sa matapos ang party.

'Tulad sa ibang party, nagsimula nang magpalaro. Ang mga batang inimbitahan ay galing sa orphanage na tinutulungan ko. May ibang bisita rin ngunit sila ay pili at mapagkakatiwalaan.

"Are you happy, anak? This is for you!" Sabi ko sa anak kong nakangiti habang pinapanood 'yong mga bata na tumatakbo.

Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon. Si Azure naman ay kuntento nang ka-holding hands niya si Isla.

Nang pinatayo kami dahil kailangang ihipan ang cake ay inalalayan ako ni Azure. Karga niya ang anak naming naiirita na.

"May I ask the guests to stand up and come forward? We'll sing for Isla!"

Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang naglalakad kami papunta sa table ng cake. Tumingkayad ako para ayusin ang tiara sa ulo ni Isla. Ang mga bisita ay nakalapit na rin at pinagitnaan kami.

Nawala ang pagka-irita ni Isla nang nagsimula kaming kumanta ng Happy Birthday. She giggled and clapped her hands. Paglingon ko sa mga bisita ay muntik na akong mapa-upo sa table nang nakita ko si Noreen na masayang nakiki-kanta para sa anak ko.

A-Ano'ng ginagawa niya dito? Hindi na maipinta ang mukha ko. Napatingin rin si Azure sa tinitingnan ko.

"Mommy and Daddy, before you blow the candles, you need to give your messages for your precious daughter!" utos ng host.

Inayos ko ang postura ko at kumalma. Tinanggap ko ang mic. "My daughter is the best thing that's ever happened to me. She deserves the world. And I will giver her everything. I love her so much... More than anything."

Para akong lumulutang nang si Azure na ang magsasalita. Ginalaw-galaw nina Mikee, Alice, at Avery ang mga kamay nila kaya napatingin ako sa gawi nila. Itinuro nila si Noreen na nasa likod. Kasalukuyan nitong kinukuhaan ng video si Azure. Umiling ako sa mga kaibigan ko.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon