Chapter 1

5K 151 16
                                    

"Ilang kilo ba 'yung eye bags mo at halos sakupin na ang buong mukha mo?" Sermon ni Mikee habang nilalagyan ako ng foundation.

Dinampot ko 'yung salamin. Napangiwi ako nang nakita kung gaano kalala ang itsura ko ngayon. Sumikat na kasi ang araw ay dilat na dilat pa rin ako. Ni hindi ako nakatulog habang nasa ere 'yung eroplano kanina. Magtitiwala na lang ako sa galing ni Mikee pagdating sa pagmi-make up.

"Concealer lang ang katapat ng eye bags niya..." Sabi ni Alice habang pinapanood ang ginagawa ni Mikee sa mukha ko. "Kirsten's face is so flawless. It's not oily nor dry. She never experienced breakouts... Ang laki sana ng natipid ko kung ganyan lang ka-kinis ang mukha ko."

"And take note, 'di 'yan nagpapa-facial o naglalagay ng kung anu-ano sa mukha niya..." sumimangot si Mikee sabay diniinan 'yung paglalapat ng foundation sa mukha ko.

Ibinaba ko ang salamin. "Enough, you two. Makinis din naman kayo."

Mikee rolled his eyes. "But not as perfect as yours."

Mahirap makipag-debate kay Mikee kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Bumaba naman si Alice sa inuupuang stool para ayusin ang mga gamit ko.

Ngayon ang photoshoot ko para sa isang men's magazine. I've seen the swimsuit. Hindi naman ito ang unang beses, pero ngayon lang ako magpapaka-daring ng ganito. People misjudged me for this. They're calling me names, bashing me on my social media accounts, and even spreading some horrible rumors which I never did. Some were asking me if why would I do such thing? Ang lagi kong isinasagot ay: why not? Kailan ba naging krimen ang pagpapa-picture ng naka-two piece? I am doing this, simply, because I can. I am capable and I am confident. I have nothing to hide and I shouldn't be ashamed.

'Tulad ng sinabi ko, bata pa lang ay mulat na ako sa kahirapan. I grew up independently. I never asked money from my parents for my whims and caprices. Lahat ng bagay na mayroon ako ngayon ay bunga ng pagsisikap ko sa trabaho. Kaya bakit ako mahihiya kung hindi ko naman hiningi sa kahit na sino ang perang pinangbili ko sa mga bagay na iyon?

"Gosh, Kirsten! That's my favorite!" itinuro ni Mikee 'yung screen. I smiled as I looked at my photo. That's my favorite, too.

I wore a white sheer one-piece swimsuit. As I was kneeling down on the pristine water of Cotivas Island in Caramoan—I was inclining to my side so that my left side boob was exposed. And with my arms over my head, the photographer asked me to look intently in the camera as it evokes my fierce vibe that I exude whenever I pose that way so.

Pagkatapos ng photoshoot ay dumaan muna kami sa simbahan. Our flight from Naga to Manila took 49 minutes. Uuwi sana kami sa Bulacan nang nakatanggap ako ng text galing kay Ms. Paz. Aniya'y kailangan ako sa set para sa huling scene ko. I didn't know that I still have a scene when she clearly told me yesterday that they don't need my presence anymore.

"Kainis naman 'yan! Nami-miss ko na luto ng Nanay mo Kirsten, eh!" Reklamo ni Mikee habang nagmamaneho patungo sa Mall of Asia.

Sumandal ako sa balikat ni Alice. "Hayaan niyo na. 'Pag natapos ng maaga 'yung shooting, diretso tayo sa Bulacan at doon na lang tayo matulog."

Alice groaned. "Bakit nga ba biglaan ang shooting na 'yan? At akala ko ba ay wala ka nang eksena doon?"

Bad trip si Alice dahil hindi natuloy ang date nila ni Elliot, ang basketball player na nag-presintang tumulong sa akin kahapon.

Umupo ako ng maayos saka humilig sa bintana. "Bakit ka pa kasi sumama?"

Dinungaw ako ni Alice. I gave her a sidelong glance. Tumawa si Mikee dahil nakikita niya rear view mirror ang ginagawa namin.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon