Isang buwan na si Isla nang pina-binyagan ko siya sa isang maliit na kapilya. Kaunti lang ang dumalong mga ninong at ninang dahil karamihan sa kanila ay nasa Pilipinas.
Isla's godparents are: Mikee, Alice, Avery, Aerand, Tati, Nikki, Robert, Direk Jason, Odette, at Ryota. Karamihan sa mga hindi ko nabanggit ay kasamahan ko sa trabaho dito sa Japan, co-models and actors, iilang fans, mga kapitbahay, at mga kaklase.
"Ang pretty naman ng inaanak kong 'yan! Manang-mana kay Ninang Ganda!" si Odette habang pinapatunog ang maracas ni Isla.
Hindi siya pinansin ng anak ko. She's usually grumpy. Mabuti na lang talaga at cute siya kaya kinagigiliwan pa rin siya ng mga tao.
Sa pagpalit ng taon at pagdating ng Agosto ay matatapos na ang visa ko. Limang maleta at isang malaking kahon ang dadalhin ko pabalik sa Pilipinas. Itinupi ko na ang mga ticket at ibinalik ang mga iyon sa lalagyan kasama ang mga passport namin ni Isla.
Hindi lang naman kami ni Isla ang babalik sa Pilipinas dahil kasama namin sina Odette at Ryota. They got engaged last month and they're planning to get married in the Philippines. After their beach wedding, tutungo sila sa Spain para sa kanilang honeymoon bago ulit bumalik sa Japan para doon na manirahan.
"So, do I need to carry Isla as if she's my own child?" nanunuksong sinabi ni Odette.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa waiting area na nasa tapat ng aming boarding gate. We drove all the way to Haneda Airport from Shizuoka-Ken. Ayaw namin sumakay sa tren dahil hassle lang ang aabutin namin.
Nilingon ko ang anak kong nakakalong kay Ryota. She giggled when her Oji blowed some air on her ear.
"No, I will carry her. Hindi naman lalapag ang eroplano sa NAIA. Sa Puerto Princesa po, ang hometown mo," ngumiwi ako nang sinadya niyang itapat sa akin ang kamay niyang may engagement ring.
"See this, Kirsten? It's boujee... Just drop the bomb and Azure will surely get you one, too. Baka nga salubungin ka pa niya sa runway," kinagat niya ang labi niya at nagtaas ng kilay.
I crossed my arms and legs. Tumingin ako sa eroplano sa runway. This scene alone reminds me of him...
"Sinasabi mo ba na papakasalan niya ako 'pag nalaman niyang may anak kami? Hindi gano'n 'yon, Dette. Marriage wouldn't bind us just because we have a daughter. Marriage is a sacred thing that will turn two people into one because they love each other... Not because of money, lust, or fame... Not because of Isla..."
"I understand, beh. But what if he's still in love with you? What if he's just waiting for you? Si Isla, nabuo dahil mahal niyo ang isa't isa. Pagtitibayin niya kayong dalawa..." Itinapat niya ulit sa akin 'yung singsing. "And this ring? This is just a symbol. I could say 'I do' without wearing it. Parang si Isla lang 'yan. She's the symbol of your love. Nandito man siya o wala, papakasalan ka pa rin ni Azure kasi nga mahal ka niya."
Narinig kong umiyak si Isla kaya kinuha ko na kay Ryota. Nang makilala niya ako ay huminto siya at kumapit sa leeg ko.
Tinapunan ko ng tingin si Odette. "How sure are you, Odette? Yes, he loved me before, but it's too early and too hard to assume whether he still does or not."
Sumandal si Odette sa dibdib ni Ryota at tumango. "Maybe you're right, but you'll never know if you wouldn't take the risks... And just a friendly advice, Kirsten, 'cause I can't stand seeing you miserable. I know this is such a sensitive topic, but you grew up without your biological parents and your daughter is blessed enough to have you and Azure. Sana lang ay hindi mo 'yon ipagkait sa kanya..."
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...