Bago kami bumaba sa sasakyan ay isinuot muna ni Alice sa ulo ko ang kaniyang sumbrero. Naka-ponytail na rin ang buhok ko para wala daw makakilala sa akin. Si Nanay naman ay inalalayan ng driver sa paglalakad.
"Nasaan po banda ang asawa mo, 'Nay?" tanong ni Mikee na nakasuot na ngayon ng aviators.
Yumuko ako pagdating namin sa entrance ng hospital. Tatlong beses pang ibinalik ng security guard 'yong tingin niya sa akin bago niya kami pinapasok.
"Diretso lang tayo mga, anak," ani Nanay.
Pagdating sa dulo ng hallway ay pumasok kami sa public ward. Siksikan at sobrang init sa loob. Nag-iwas ako ng tingin nang nakita ang kahabag-habag na sinapit ng mga pasyente.
Sinundan namin si Nanay nang nilapitan niya 'yong matanda na natutulog. May benda siya sa tagiliran. Sa gilid ng kama ay nagmamasid sa amin ang isang babae. Sa tingin ko ay anak nila iyon.
"Ito ang asawa kong si Renato. Ito naman ang panganay na anak namin na si Maribel," itinuro ni Nanay 'yong babae. Tumango siya.
"Ano po ang nangyari kay Tatay?" ako na ang nagtanong.
May kinuha si Nanay sa gilid ng kama. "Tinanggalan siya ng bato sa kidney," ipinakita niya sa amin 'yong glass tube na naglalaman ng malalaking bato.
Natameme kami ng nagsimulang umiyak si Nanay. Inalo naman ni Maribel ang kaniyang ina.
"Mahilig kasi sa maaalat na pagkain ang asawa ko. Ginagawa niyang sabaw ang patis. Ilang beses ko na siyang sinaway, pero matigas ang ulo. Kung hindi lang sumakit ng husto ang tagiliran niya ay hindi namin malalaman na puro bato na pala ang kidney niya," paliwanag ni Nanay.
Tumitig lang kami kay Nanay. Lahat kami ay walang masabi sa kinahinatnan ng asaaa niya.
"Kanina ay nanghihingi ako ng tulong sa mga kumakain sa kainan na 'yon. Narinig ko na may artista kaya nagbakasakali ako." Hinawakan ni Nanay ang kamay ko. "Sana ay matulungan mo kami. Hindi sapat ang kinikita ko sa pagtitinda ng gulay at pagiging construction worker ng asawa ko para matustusan ang bayarin namin dito sa ospital."
Kinulong ko ang kamay ni Nanay. "Tutulungan po namin kayo, Nanay. 'Wag na kayong mag-alala. Makakalabas na po ang asawa niyo."
Hinayaan kong yakapin ako ni Nanay. Ang anak nilang si Maribel ay napaluha na rin.
Nang humupa ang pag iyak ni Nanay ay ipinakilala niya ang kaniyang sarili. Siya daw si Filipina dela Cruz. Nakatira ang pamilya dela Cruz sa Quezon City. Ang panganay nilang si Maribel ay tumigil sa pag-aaral para tulungan ang mga magulang. Dapat ay naka-graduate na siya sa kolehiyo. Ang pangalawa at bunso nilang anak na si Fidel ay nasa-ikalawang taon na sa high school.
"Alice, hingiin niyo 'yong breakdown ng bills nila. Bayaran niyo na rin. Pakitanong kung may mga gamot pa na kakailanganin si Tatay Renato. 'Pag meron, bilhin niyo lahat ng kailangan hanggang sa paggaling niya," bulong ko sabay abot sa kaniya ng sobre na naglalaman ng pera.
Sinamahan siya ni Mikee patungo sa nurse's station. Ang driver naman na si Kuya Rey ay nakabalik na matapos ko siyang utusang bumili ng pagkain.
"Kumain po muna kayo. Sa inyo po ang mga ito," inabot ko kay Nanay Filipina 'yong dalawang paper bag.
Tinanggap niya ang mga 'yon. "Maraning salamat! Paghatian na natin ang mga ito!"
"Hindi na po, 'Nay. Ayos lang po kami," sabi ko at umiling.
Inayos ni Maribel ang mga pagkain. Habang kumakain ang mag-ina ay sinilip ko ang cellphone ko. May text si Azure.
From: Azure
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...