Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko kinabuksan. I wasn't able to sleep. I was wide awake for the whole freakin' night. Kaya ngayon ay namomroblema ako sa paglalagay ng concealer matakpan lang ang pinagpuyatan ko.
"Good morning!" bati ko with full smile pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto.
Napabalikwas sa pagkaka-upo si Mikee. Tumapon ang kape sa tasa ni Alice. Halos hindi naman mahawakan ng maayos ni Maribel si Isla nang ibinigay ko ito sa kaniya.
Pinindot ko ang espresso machine para malagyan ng kape ang sarili kong tasa. Napangiti ako nang naamoy ang aroma ng kape.
"What happened to her? It seems like she was bewitched by someone last night," narinig kong sinabi ni Alice kay Mikee paglabas ko sa kusina.
Huminga ako ng malalim. Dapat ay makiki-blend in ako dahil panibagong araw na. Kailangan kong gumalaw. May trabaho pa ako. Weird nga naman kung masaya 'agad ako pagkatapos ng nangyari. But they forgot that I'm an actress by profession. I acted as if I was really happy because I needed to be.
Hinila ako ni Alice papunta sa ibang direksyon nang nakababa kami sa basement. Nagtaka pa ako nung una kung bakit, pero nang namatay ang headlights ng sasakyan na katabi ng sa akin ay napa-iling na lang ako.
"Don't drag me out of here, Alice. This is the only way," walang nagawa si Alice kundi ang sumunod sa akin.
Binuksan ni Azure ang pinto sa shotgun seat. Binuksan rin ni Kuya Rey ang pinto ng sasakyan namin ni Alice.
"Kirsten, can we talk?" pagsusumamo ni Azure.
"Some other time, Azure. I have work," hindi ko siya nilingon. Dire-diretso ang lakad ko papasok sa sasakyan ko.
Hinila ni Kuya Rey ang pinto para sumara. We didn't waste our time. Umalis kami 'agad sa condo. Nasa kay Azure na kung tatayo siya maghapon doon o aakyat sa unit ko para makita si Isla.
Usap-usapan ang balita na magpapakasal na sina Azure at Noreen. Kahit 'yung guard at janitor sa parking area ay iyon ang pinag-uusapan.
Itinapat namin ni Alice sa scanner ang mga pass bago kami tumungo sa entance ng PEN.
"Saan tayo ngayon, Alice?" tanong ko.
"Studio C. Sa 8th floor, Kirsten," aniya habang may kausap rin sa cellphone.
Ang kumikinang na singsing sa daliri ni Noreen ang mapapanood sa mga malalaking TV na nadaanan namin. Iyon ang video clip na papasok sila sa hotel ni Azure para sa isang event. The stone of her ring was sparkly and big enough to get everyone's attention kaya naman pinagkaguluhan sila ng mga reporter nang napansin iyon. Noreen even confirmed on the said interview that she and Azure are engaged. Azure didn't look happy, though.
Iginiya kami papunta sa dressing room pagpasok namin sa Studio C. Ngayon ang shooting para sa cooking show ng isang sikat na chef. Isa ako sa mga special guest para sa episode bukas.
"Mamili ka na lang ng susuotin mo, Kirsten. I trust you. You have a good taste when it comes to fashion," wika ni Alice.
Pinagmasdan ko 'yung rack na puno ng iba't ibang klase ng outfit sa tabi ng vanity table. Mikee doesn't have to come with us. Marunong rin naman akong mag-make up. Abala siya sa pag-i-invest sa business na itatayo kasama si Alice kaya ayos lang kung hindi siya madalas makasama.
Binigyan kami ng isang oras para maghanda. Sinimulan ko na ang pag-aayos sa sarili ko habang abala si Alice sa pagsagot ng mga tawag.
"Ms. Kirsten, pinapatawag na po kayo ni Direk," sabi ng assistant na bigla na lang pumasok sa loob ng dressing room.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...