Chapter 48

2K 75 10
                                    

Pumunta kami sa mga naka-paradang sasakyan. 'Di naman nalalayo ang mga iyon sa eroplanong sinakyan namin. After my long interview, we decided to leave the airport. Pinaunlakan ko lahat kahit 'yung mga reporter na minaliit at siniraan ako.

Pinagbuksan ako ni Kuya Rey ng pinto. I shook my head. Sumimangot si Yuan.

"Kirsten, sumakay ka na," naiinip niyang sinabi.

Inakbayan ako ni Alice. She smiled playfully while looking at Yuan.

"Yuan, kina Alice ako sasabay. Sumunod ka na lang sa unit ko," I said.

Napakamot sa ulo si Yuan. "Why? Baka masundan ka ng mga reporter. If you would still insist, bring the bodyguards with you."

"'Di na kailangan. Wala namang babaril sa akin sa daan. Hayaan mong isipin nila na nakasakay ako diyan. Pagbigyan mo na ako. Matagal-tagal kong hindi nakasama ang mga kaibigan ko," pamimilit ko.

He took a deep breath before he nodded. "You never listen to me. Ano pa ba ang silbi ng sinabi ko kung sarili mo lang ang pinapakinggan mo."

Tumingin kami ni Alice sa sasakyan ni Mikee at nag-thumbs up. Bumusina siya para mas lalong maasar si Yuan. Salbahe!

"I'll call you," may inabot na box 'yong assistant niya na inabot naman ni Yuan sa akin. "This is your new phone. Ito ang gagamitin mo dito sa Pilipinas. Keep your other phone for Hollywood purposes."

"Thank you, Yuan!" Binigay ko 'yung box sa personal assistant kong si Jemelee. "Hold this, Jemelee. Kukunin ko ito sa 'yo mamaya."

Bago kami maghi-hiwalay ay may ibinilin ako kay Yuan. "Isasama ko sa sasakyan nina Alice si Jemelee. Bring my glam team with you."

Pagkatapos niyon ay hinila na ako ni Alice sa sasakyan nila. Ang saya saya na naman ng dalawa pagpasok namin ni Alice. Syempre, sa unahan siya sumakay. Jemelee and I sat on the back.

"At last! Ang tagal mong nagpaalam!" Panenermon sa akin ni Mikee. He started the engine.

"Alam niyo naman si Yuan. Siya ang tumayong manager ko sa L.A."

Kinuha ko 'yung box kay Jemelee para ma-set up ko na sana ang bago kong cellphone. But I don't have to because Yuan did it for me. I smirked when I saw his name on my contact list. Unang-una talaga.

"How's my baby?" I asked as Mikee drove away.

Nilingon ako ni Alice. "She's excited! Medyo masama lang ang loob dahil hindi pinayagan ng lolo at lola niyang sumama dito."

Time flies so fast. My daughter is almost two. Mabilis nang magsalita at kikay na kikay daw ayon sa nasagap kong balita kay Maribel. And the guilty party is Azure. Palagi niyang binibilhan ng kung anu-ano. He's spoiling Isla too much. Babawasan ko 'yon ngayong nandito na ako.

Pinag-usapan namin sa biyahe ang nalalapit na kasal nina Alice at Mikee. Ako ang Maid of Honor. Sino pa ba ang kukunin ni Alice bukod sa akin? Avery declined it dahil mas karapat-dapat daw ako. Dati ay nag-aaway pa kami ni Mikee sa posisyon na 'yon. Ngayon ay hindi na kailangan dahil siya pala ang magiging groom ni Alice.

"Kailangan ka nang masukatan ng gown, Kirsten. Kailan ka ba pwede?" Alice asked.

"Buong linggo akong free. I won't accept interviews since I want to spend the whole week with Isla. Siguro ay isisingit ko na lang ang pagpapasukat ng gown sa mga araw na 'yon," I answered and I also informed Alice since siya na uli ang manager ko.

"Alright. Noted, Kirsten. Just tell me the exact date para ma-inform ko 'yong mananahi," aniya.

"Miss, 'yung aviators niyo po," inilahad ni Jemelee 'yung case sa harap ko.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon