I froze. Kung tama man ang pagkaka-intindi ko... Gusto ba ni Azure na lumipat kami ni Isla sa penthouse niya?
"What do you think, Kirsten?" his baritone voice interrupted my thoughts.
Napapitlag ako sa kinatatayuan. He walked pass through me. Binuhat niya si Isla at dinala ito sa kama. Sumunod ako. Hindi malaman kung uupo rin ba o tatayo na lang sa gilid.
Magulo na ang buhok ni Isla kaya kinuha niya 'yung hairbrush. Napanganga ako dahil nakita ko rin sa personal kung paano niya itali ang buhok ng anak namin.
"I-I don't know. I don't really know, Azure. 'Pag pumayag ako ay mai-issue na naman tayo."
Biglang sumama ang timpla ng mukha niya. "You don't really get it, do you?"
Aaminin ko, gusto ko rin naman na mabuo kaming tatlo at manirahan sa iisang bubong. Pero may pumipigil sa akin...
"I need your answer right now, Kirsten," naiinip niyang sinabi.
Azure, I wanted to hug and kiss you; to laugh and talk with you like what we used to do, but I can't. Your aloofness keeps me from doing it.
Inipon ko ang lakas ng loob para masabi sa kaniya ang sagot na taliwas sa totoong nasa isip ko. "Thank you, Azure, but I can always find a place for me and Isla."
He pressed his lips together. Dahan-dahan siyang tumango. At 'tulad ng lagi niyang ginagawa, he walked out again.
Nauupos akong napa-upo sa kama. Mag-isa na naman ako kaya kung anu-ano ang naiiisip ko.
Azure has been always like this since he came back. He couldn't say it, so he would always do something for me to be able to know what was on his mind.
Oo, umaasa ako at gusto ko na lang maniwala sa sarili ko, pero mahirap kasi dahil hindi ko alam na baka mamaya ay mali pala ang pagkaka-intindi ko sa mga ginagawa niya. Takot akong bigyan ang mga iyon ng kahulugan. Mahirap kasi walang kasiguraduhan.
The following days went well. Nakipag-meeting ako at pumirma ng mga kontrata para sa mga TVC at photoshoots na naka-line up ngayong buwan at sa susunod na mga buwan.
Ngayong araw ay katatapos lang ng meeting kasama ang mga representative ng international cosmetics company kung saan isa ako sa mga endorser. Pinag-usapan namin ang gagawing collaboration. I couldn't believe that I'll have my own make up line soon!
After the contract signing, I took a picture of their company logo and posted in on my social media accounts. Teaser kumbaga. Umani 'agad iyon ng iba't ibang reaksyon.
"Miss, nakarating na daw po sina Royce," sabi ni Jemelee habang nakatingin sa cellphone. Papalabas na kami sa building.
"Tell them to wait for us inside the dressing room, Jemelee."
We went to the parking area. She handed me the key fob of my Tesla Model S. Masay ako at makakapag-maneho na ako ulit!
"Thank you, Jemelee," I wore my aviators and raised a hand to shield my face from the sunlight.
"You're welcome po, Miss," dumikit siya sa akin, halatang nagpa-panic. "Hindi po ba kayo kinakabahan? Baka po sugurin ka ng media na nag-aabang sa labas ng parking area."
Napatingin ako sa paligid. True enough. Naroon ang mga miyembro ng media na nag-aabang sa paglabas ko.
"No, Jemelee. Hindi ako natatakot. Mahigpit naman ang seguridad," I said to calm her down.
We walked towards the silver metallic car that was parked across the building. Pinindot ko ang buton para bumukas ang mga pinto. Pumasok kami 'agad ni Jemelee.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...