Chapter 35

1.9K 77 1
                                    

The woman behind Azure smiled at me. Kung dati ay kulay itim, ngayon ay kinulayan na ng vanilla beige ang mahaba niyang buhok. Mas na-emphasize ang kutis niyang kasing puti ng papel sa suot niyang itim na leather skirt at cream studded crop top. Ipinares niya iyon sa black suede ankle boots na paborito niya na noon pa.

Sinugod ako ng yakap ni Avery. Hindi 'agad ako nakapag-react sa gulat. Azure crossed his arms. Humilig siya sa pintuan at pinagmasdan kaming dalawa ng Ate niya.

"I missed you so much, Kirsten!" aniya nang bumitaw sa pagkaka-yakap. I couldn't believe it! Ang ganda-ganda talaga ni Avery!

Ngumiti ako. "I missed you too, Avery!" Hindi ako makapaniwala na nandito siya!

Napatayo naman sina Nanay. Kumaway si Avery kay Alice at sa mga magulang ko.

Halos dalawang taon rin ang itinigal nila sa Los Angeles. Ngayong nandito na ang isa sa itinuturing kong matalik na kaibigan ay lubos ang kasiyahang nararamdaman ko!

Minuwestra ko ang ward. "Pasok kayo..."

Dire-diretsong pumasok si Avery para bumeso kay Alice. Si Azure naman ay si Isla 'agad ang nilapitan.

Nag-mano si Avery sa mga magulang ko. "Hello po! Long time no see po!"

"Long time no see rin, hija! Ang ganda mo talaga, ano?" ani Nanay. Si Tatay naman ay ngumiti lang.

Niyakap ulit ako ni Avery. "Kailan ka pa umuwi? Na-miss talaga kita..." sabi ko.

"Last week pa. My family threw a welcome for us, Kirsten. I was looking for you at itatanong ko na sana kay Azure kung nasaan ka... Ang magaling kong kapatid naman ay biglang nawala nung kailangan ko na!"

Kaya pala gano'n ang ayos ni Azure kanina. Hindi ko lang alam kung si Avery ba ang babae na narinig kong kumakausap sa kanya.

"Alam mo bang bwisit na bwisit ako sa mokong na 'yan kanina? Aawayin ko na sana pag-uwi niya kaya lang may dalang good news, eh! Sayang lang at maagang umalis ang parents namin, pero nakarating na sa kabilang bahagi ng mundo ang balita na may apo na sila!"

Pumalakpak si Avery at nilingon si Azure. Napatili siya. Itinuro niya si Isla. Ngumiti ako tumango.

"Oh my God! Siya ba ang pamangkin ko? Binangga niya si Azure para makita ng mabuti si Isla. "Hindi mo siya kamukha, Azure! Ikaw ba talaga ang daddy niya?" Manghang-mangha siya habang tinititigan si Isla.

Walang nagbago. Siya pa rin talaga ang Avery na nakilala ko noon.

"Ako ba ang pinag-lihian mo, Kirsten?" Tumawa ako. Hinawakan niya ang suero kaya gumalaw si Isla.

"Don't wake her up! Bakit ka pa kasi sumama, Ate?" Pinagalitan siya ni Azure.  Halatang stressed na siya dahil sa Ate niya.

Ngumuso ako nang narinig ang tawag niya kay Avery. Isang taon lang kasi ang tanda ni Avery sa kaniya kaya paminsan-minsan ay hindi niya ito tinatawag na "Ate".

Nagmistulang bingi si Avery. Kumandong ako kay Alice. Kuntento na kami habang pinapanood ang magkapatid. May sarili namang mundo sina Nanay at Tatay.

"Naunahan ka pa ng kapatid mo, Avery," biro ni Alice.

Ngumisi si Avery. "Ilakad mo nga ako sa mga kaibigan mo, Alice! Naiinggit ako sa kapatid ko, eh!"

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon