Nakahiram ako kay Alice ng damit. High waisted ang kanyang black high slit midi skirt kaya tinernohan ko iyon ng white v-neck crop top. Luckily, I brought my one-strap heels. Hindi na rin ako naglagay ng make-up. Tama na 'yung sunscreen dahil tirik na tirik ang araw lalo pa at summer ngayon.
"Kirsten, you might wanna wear a simpler outfit. Sa kabilang kanto lang 'yung pupuntahan natin..." puna ni Mikee sa suot ko.
"Dress to impress, Mikee..." kinuhaan ako ng litrato ni Alice para sa Instagram ko.
Umalis kami sa balkonahe at pumasok na sa loob ng kwarto. Hinila ko 'yung sliding door at ni-lock iyon. Alice handed me my phone. Ang sinag na nagmumula sa araw ang nagmistulang filter ng litrato ko kaya pinindot ko 'agad ang upload.
Tumawag si Avery para sabihing nasa baba na sila. Sinuyod ko ang lobby ng hotel. Nakatayo si Azure malapit sa entrance. He was scanning my outfit when Avery and Aerand stood up to greet us, blocking me from his view.
"Dang it!" Kumapit sa braso ko si Avery. "Magmumukha kaming muchaha nito!" Nakuha niya pang humalakhak habang sinisenyasan si Alice kung magpapalit ba sila ng damit o hindi.
"Stop it you two! Maayos naman ang mga suot ninyo," sabi ko.
"You should change your clothes, Kirsten..." biglang sumabat si Azure.
"Why, Azure?" mahihimigan ng panunuya ang tono ng boses ni Avery.
"Because it's too revealing..." pagpapatuloy ni Aerand.
"At hindi niya gusto 'yon..." si Mikee ang tumapos.
Eksaheradang tumawa sina Avery at Alice. Ngumiwi si Azure at pumihit palabas ng hotel.
"Damn! Ginalit niyo 'yung driver natin!" lumabas na rin si Aerand. Mukhang siya na ang magmamaneho ng sasakyan.
Okay? What the fuck did just just happened? Ayaw ni Azure sa suot ko kasi masyadong revealing? Dapat kong baguhin? I don't think so. I'm just being me. Ganito na ako manamit noon pa, 'no.
"I wanna try their grilled squid..." ani Avery. Ibinigay niya 'yung menu sa kapatid niya para makapamili na rin ng kakainin.
Nakatayo na sa gilid 'yung server. Batid kong sa akin siya nakatingin kaya tumingin rin ako sa kanya at ngumiti. Namula ang magkabilang pisngi ng binata.
Inagaw ni Azure ang atensyon niya. "Seafood paella, 'yung pinakamalaki..." mariin niyang sinabi habang nakataas ang isang kilay.
"O-Okay po!" nagkumahog ang binata sa pagsusulat.
Humilig ako kay Alice. "Gusto ko sana ng seafood boil kaso mukhang wala no'n dito..."
"Pwede po naming lutuin 'yon, Ma'am..." Mabilis kong nilingon 'yung binata. "Kaso magdadagdag po kayo ng bayad."
Lumapad ang ngisi ko. "Ayos lang! Pwede kong makausap 'yung cook ninyo?"
Tumango siya. "Pwede po, Ma'am! Tara po sa kusina!"
Excited akong tumayo. Nasa pahabang upuan kami kaya kinailangan pang lumabas nina Alice at Mikee para makadaan ako.
"Kirsten, padagdagan mo, please. Gusto kong mag-uwi sa hotel..." request ni Avery.
"Ako rin, Kirsten! Hahatian kana lang namin sa bayad," sabi naman ni Aerand.
Hinampas ko 'yung hangin bilang pagtutol. "Ako na ang magbabayad! Libre ko na!"
"Hingi ka ng maraming dipping sauce, Kirsten..." paalala ni Alice.
Sinundan ko 'yung binata patungo sa malawak na kusina. Amoy na amoy ko kung gaano ka-bango ang mga pagkaing niluluto doon.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...