Chapter 38

1.9K 66 1
                                    

Ang pagtama ng mga kubyertos sa mga pinggan ang tanging maririnig. I held my breath as I stared at Azure. He was eating peacefully, like nothing had happened. Nakayuko naman si Mikee na pinagsisisihan 'ata ang pag-anunsyo niya sa tawag ni Yuan.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Binalingan ako ni Alice na ngayon ay tensyonadong umiinom ng tubig.

"May lakad ka ba, anak?" nilingon ko si Tatay. Kanina niya pa tinitiis na itanong 'yon, at ngayong naitanong niya na, mababakas ang ngiti sa kaniyang mukha.

Bakit masaya si Tatay? Maging si Nanay ay nag-iwas ng tingin para lang pa kawalan ang ngiti.

"Meron po kaming lakad ni Alice, 'Nay," sagot ko.

Nagsalubong ang mga kilay ni Azure. Binalingan niya si Alice, pagkatapos ay ako naman. Yumuko ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Kahit mabilis natapos ang agahan, pakiramdam ko'y iyon na ang pinakamahabang agahan sa buong buhay ko. I could feel the tension just by looking at Azure's judgemental gaze.

Pinapasok ko si Azure sa aking kwarto. Bitbit niya ang anak namin na kakatapos lang sa pagkain. Tumungo ako sa banyo.

"Tuturuan kita kung paano paliguan si Isla," sabi ko habang kinakawkaw ang maligamgam na tubig sa plastic bathtub ni Isla.

Sunod kong ipinatong sa marble sink ang tuwalya na gagamitin. Itinali ko ang buhok ko bago ako lumabas ng banyo.

Pinanood ko kung paano nilalaro ni Azure si Isla. Winawagayway niya sa harapan ng anak namin 'yong laruang maracas. Nakataas ang mga paa at mga kamay ni Isla habang inaabot iyon.

"Azure," tawag ko. "Tanggalin mo na ang damit ni Isla para mapaliguan na."

Hindi siya nagsalita. Ingat na ingat siya sa kaniyang ginagawa na para bang isang babasaging bagay si Isla. Tinapunan niya ako ng tingin pagkatapos. Feeling proud, huh? Marahan niyang inangat ang anak namin sa kama. Nauna akong pumasok sa banyo.

"Tuturuan kita para 'pag wala ako—"

"Bakit? May kasunod pa ang pagkikita niyo ni Yuan?" akusa niya.

Umiling ako. "'Pag may shooting, Azure. 'Pag walang ibang magbabantay kay Isla kung hindi ikaw."

It's not that I have to explain everything to him, but for Isla's sake, sasabihin ko sa kaniya.

"Grand opening ngayon ng coffee shop nina Yuan. Gaganapin iyon sa mall na malapit dito. He invited me last night and I'm bringing Alice with me."

Tinikom ni Azure ang bibig niya. Huminga ako ng malalim at ipinakita sa kaniya ang mga kakailanganin sa pagligo ni Isla. Kinailangan ko ring i-demonstrate ang tamang paghawak kay Isla habang siya ay pinapaliguan. Bago matapos ay hinayaan ko siyang alalayan ang anak namin at siya na mismo ang nagbanlaw gamit ang shower para mawala ang sabon sa katawan ni Isla.

Inilapag niya si Isla sa kama ko. Umupo ako at pinagmasdan kung paano niya punasan ang katawan ni Isla. Lumipat ang tingin ko sa nabasa niyang polo shirt at khaki short.

"Tama naman ang ginagawa ko 'di ba?" tanong niya at nag-angat ng tingin sa akin.

Tumango ako. "Tama ang ginagawa mo," Tinulak ko ang lotion sa tabi niya. "Lagyan mo naman si Isla ng lotion. Kaunti lang, ah?"

Sinunod ni Azure ang gusto ko. Nang nalagyan niya ng lotion ang malikot naming anak ay ibinigay ko naman ang diaper. Azure knows how to put it. Sa ospital ay nalaman ko na siya ang taga-palit ng diaper ni Isla.

"Para saan ang dress na 'to?" ngumiwi siya nang nakita ang ipapasuot ko kay Isla.

Tumaas ang kilay ko. "For Isla, Azure. May problema ba?"

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon