Maaga akong binulabog ng pagkatok ni Nanay sa pinto ng kwarto ko. Pupungas-pungas akong bumangon.
"Kirsten, ano ka ba? Gumising kana at malapit na daw 'yung pari!"
"Gising na po ako, 'Nay! Maliligo na po ako!" napapaos kong sigaw.
Marahil ay bumaba na si Nanay nang marinig ako. Mabuti pa at ligpitin ko na ang pinag-higaan. Minadali ko na rin ang pagligo, pagbibihis, at pag-aayos. Simpleng dress at sandals lang ang isinuot ko.
Nag-a-agahan sina Auntie Lydia pagkababa ko. Himala at good mood ang buong pamilya niya. Pinagsilbihan pa ako nina Genyka at Kara.
"Tinapay lang ang kakainin ko," sabi ko at pinigilan ang paglalagay ni Kara ng sinangag sa plato ko.
Hindi nagreklamo ang pinsan ko. Bagkos ay kinuhaan niya pa ako ng tinapay at palaman. Wala naman sigurong gayuma ang mga pagkaing niluto ni Nanay, ano? Tila sinapian 'ata ang mga kamag-anak ko at sobrang bait nila ngayon? Baka ang nabasag na countertop ang dahilan? Pasalamat nga sila at tinulungan ako ni Tita Anastasia sa pagpapa-install, eh.
Sinilip kami ni Nanay nang marinig niya ang boses ko. Katatapos lang niyang magpa-ayos sa kapitbahay namin at masasabi kong hindi sila naghihirap ni Tatay dahil sa suot niyang branded na dress. Bukod doon ay bago rin ang kanyang relos at kwintas na sa tingin ko'y aabot sa daang libo ang halaga.
"Kumain na po kayo, 'Nay?" tanong ko sabay alok ng tinapay.
Umiling siya. "Hindi pa, anak. Doon na lang ako kakain," tumingin siya sa kanyang relos. "Bilisan niyo na diyan. Nasa labas na ang driver."
Iyon lang at umalis na siya. Ayaw ko man, pero nagtataka na talaga ako sa ikinikilos nila ni Tatay. Kung kagabi ay para silang nakakita nang multo pagdating ko, ngayon naman ay parang walang nangyaring kakaiba sa mga ito.
"Sa sasakyan kana lang kumain, Kirsten. Nagbaon kami ng sandwich in case na may magutom sa atin," ani Auntie Lydia at tumayo na kasama ang kanyang pamilya.
Inubos ko ang kinakain at uminom ng tubig. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang mga kamag-anak kong bihis na bihis. Sa kasal 'ata pupunta ang mga iyon at hindi sa blessing ng grocery store.
Sa biyahe namin patungo sa Bocaue, kausap ko lang sina Azure, Mikee, at Avery na tanging mga online sa group chat namin.
Napahagikgik ako nang mabasa ang chat ni Azure a.k.a. Don FUCKundo.
Don FUCKundo: Take care, babe. I missed you.
Hindi rin nagpahuli si Mikee.
Sausage Lover: Be right back, guys! @Kirsten Buenaflor Balitaan mo na lang ako tungkol sa mga pa-bida mong kamag-anak!
Nag-reply ako habang pigil na pigil sa pagtawa.
Doña FUCKunda: @Mikee Dizon I will! Ingat ka diyan!
Doña FUCKunda: @Azure Lorenzo I missed you, too!
Mabagal 'ata ang internet ni Avery at ilang ulit niyang nai-send ang chat niya.
Ina N'yo: Kirsten, I wish we were there to support you! Laban, sis!
Ina N'yo: Kirsten, I wish we were there to support you! Laban, sis!
Ina N'yo: Kirsten, I wish we were there to support you! Laban, sis!
Ina N'yo: Kirsten, I wish we were there to support you! Laban, sis!
Ina N'yo: Kirsten, I wish we were there to support you! Laban, sis!
Dahil do'n, nagising niya si Aerand kaya napa-reply ito.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...