Chapter 40

2.1K 77 0
                                    

Kasabay ng pagbangon ko ay ang pagdapo ng mainit na palad sa aking braso. Azure pulled the switch of the lampshade. Hinarap niya ako sa kaniya para punasan ang namuong pawis sa aking noo. Hindi pa siya natatapos sa ginagawa ay ibinaon ko na ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

"A-Are you alright?" he said gently while he was slowly tapping my back.

Tumango ako. Nang kumalma ay humiwalay ako sa kaniya at sumandal sa headboard ng kama. I dreamed about the woman yesterday. Sa panaginip ko ay hinahabol niya ako. Kung hindi ako nagising ay baka namatay na ako dahil sa bangungot.

"Nakalimutan mo bang magdasal bago matulog?" Nilingon ko si Azure. Inabot niya sa akin ang baso na may lamang tubig. Sumimsim lang ako doon at ibinalik rin 'agad sa kaniya para matingnan ko siya ng mabuti.

Nahaharangan ng magulo niyang buhok ang kaniyang mga mata. His sweat was dripping down to his chest. Binasa niya ang kaniyang labi at inayos ang buhok. I could clearly see his eyes now. I don't know if it's because of the light, but his eyes are really sparkling as if he was looking at the stars. Well, not to the content where it was blinding me.

"Nagdasal ako, Azure. Sabay pa nga tayo kung naaalala mo," I said, never taking my gaze off of his handsome face.

Noon pa man, gustong-gusto ko na ang madilim at misteryoso niyang mga mata. Asset niya na 'yong pisikal niyang anyo, pero may kakaiba talaga sa mga mata niya. Masaya ako dahil namana iyon ng aming anak. Kahit malayo siya sa amin noon, titingnan ko lang ang mga mata ng anak ko ay parang kasama na rin namin siya.

"Yeah," he breathed. "I remembered..."

I love how those deep, expressive eyes turns dark whenever he's feeling angry. Iyong tipong bibigay na lang ako at magpapakumbaba para hindi na lumala ang away; iyong tipong sa halip na makipagsabayan sa galit niya ay matutulala na lang ako habang nakatitig sa kaniyang mga mata; and most of all, even though I've seen the worst of him, mas lalo pa akong nahulog... Mas lalo ko pa siyang minahal. I am his prisoner. He caged my heart. And I know that there could be no possible way to escape.

Kung ganito lang sana ang bubungad sa akin araw-araw... Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ito pang araw-araw at hindi ko alam kung kailan ito mauulit. I should enjoy this view while it lasts.

Tumayo si Azure. Nilapitan niya 'yung crib ni Isla. He kissed our daughter's hand. "I'm gonna wake Avery up. Sasama ba ang mga kaibigan mo?"

"Hindi daw sila sasama. Lalabas na rin ako para makapagluto ng agahan," hinawi ko 'yong kumot. His gaze went from my face down to my exposed legs.

Bumaba ako sa kama. Hinila ko pababa 'yong suot kong night gown. 'Oy, hindi ko sinadya ito, ah? Talagang naka-night gown ako palagi para hindi ako mahirapan sa pagpapa-breastfeed kay Isla!"

He pouted. "Okay. If you say so," pumasok siya sa banyo para maghilamos.

Umikot ako paharap sa crib ni Isla. Iyong hinalikan ni Azure na kamay niya 'yung hinalikan ko.

Paglabas ni Azure ay nanuot 'agad ang bango niya sa aking sistema. Pwede na ring pangpagising tuwing umaga. Mula sa kabilang parte ng kama ay inabot niya ang suot na tshirt kagabi. Nadepina ang mga ugat sa braso niya dahil sa ginawa. Ang aga aga pa at ayaw kong magkasala, pero sinulyapan ko pa rin 'yung katawan niya.

Kinuha ko 'yung remote ng aircon sa bedside table. Tinaasan ko 'yung temperatura dahil nararamdaman ko ang pag-init ng aking katawan.

Tumawa si Azure. "O, bakit? Mainit ba? Nilalamig nga ako kaya susuotin ko 'to. Ikaw itong may manipis na suot sa ating dalawa, ikaw pa ang nilalamig?"

"Aba? At least ako, may suot. Ikaw itong topless sa ating dalawa," sabi ko.

Tumawa siya at winagayway sa harap ko 'yong tshirt. Umirap ako at pina-ikot na lang sa kamay 'yong remote. Tuwang-tuwa na naman siya dahil alam niyang pinagnanasaan ko 'yung katawan niya kanina.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon