Chapter 49

2K 88 7
                                    

Isla and I spent our first day together in my unit. I couldn't do anything about it. Gustuhin ko man siyang ipasyal ay hindi maaari. Isa sa kapalit ng napili kong propesyon ay ang privacy. And we won't have it the moment we stepped outside this building. I don't want to risk her safety masabi lang na nakapamasyal kami sa labas.

"Alice, pwede na akong magpasukat ngayon," sabi ko sa ikalawang araw ko dito sa Pilipinas.

Kasalukuyan kaming naglalaro ni Isla sa salas ng mga laruan na pasalubong ko sa kaniya. Hindi na ako sanay na walang ginagawa kaya naisip ko na ngayon na lang magpasukat ng dress.

Alice's face brightened up. Iniwan niya sa couch si Mikee para masamahan kami ni Isla sa sahig.

"Are you sure?" Tumango ako. "Then I'll call her immediately!"

Kinapa niya sa bulsa ng short ni Mikee 'yung cellphone. Napalunok ako nang iba ang unang nahawakan niya. I looked away and pretended that I'm interested on the news.

"Mama play!" Sigaw nang anak ko.

Hinagis niya sa harap ko 'yung tray na may mga laruang pagkain. Hinuli ko ang mga kamay niya kaya napaharap siya sa akin.

"It's bad to throw things, anak. Don't do that again, okay?"

Ngumuso siya at tumango. "Sowi, Mama," she hugged my neck and kissed me on the lips.

I smiled. "I forgave you, baby," pina-upo ko siya sa hita ko at niyakap. "What did I do to have you, huh? I'm so blessed!"

She chuckled. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa leeg ko. Tinuro niya ang kwintas doon. She gasped and her eyes widened. "Daddy!"

Napatingin sa amin sina Alice at Mikee. I shrugged my shoulders. I turned my head so I could see my daughter's face.

"What do you mean, baby?"

She pointed the necklace again. "Daddy!"

What? Bakit niya alam na si Azure ang nagbigay nito? Wait... Kasama ba siya nang binili ito ni Azure?

"Kasama ba siya ni Azure noong binili 'to?" Tanong ko kina Mikee.

Umiling sila pareho. "We don't know. Palagi naman umaalis ang dalawang 'yan, eh. Baka nga kasama si Isla," ani Alice.

"'Tsaka hindi nga namin alam na kay Azure pala galing 'yan kung hindi mo kami tinanong ngayon. Akala namin ay galing kay Yuan," sabi naman ni Mikee.

"Hindi ako tumatanggap ng alahas galing kay Yuan."

Tiningnan nila ang isa't isa. Yumakap si Alice sa tagiliran ni Mikee. She smirked. "Gadget lang kung gano'n?"

"Ano'ng gadget ang sinasabi mo diyan, Alice?" Clueless kong tanong.

Nginuso ni Mikee 'yung bago kong cellphone sa center table.

I rolled my eyes. "Siya ang bumili, pero pera ko ang ginamit na pangbili."

Lahat ng ginastos ko sa Los Angeles ay galing sa sarili kong pera. Ang mga naitulong ni Yuan ay 'yung ipasok ako sa Nova Studio, maging pansamantalang manager, at pagiging errand boy.

Binalik ko ang tingin ko kay Isla. Hawak niya 'yung pendant at nakangiti. Kayo, ah? May tinatago kayong sikreto ng tatay mo.

Dumating si Clara na siyang magtatahi ng gown na isusuot ko. Siya raw ang pinaka-magaling na mananahi sa main branch ng boutique nina Alice at Mikee. Lima na ang branch at binabalak nilang dalhin sa mga mall ang business nila.

Together with her team, kinuha nila ang lahat ng detalye'ng kakailanganin. They even asked my opinion regarding on the style that I wanted.

"The bridesmaids received their dresses early this morning. Inesse dress ang sa kanila. Pare-pareho ang style dahil gusto ko na balanse tingnan pagdating ng picture taking. Since you're my Maid of Honor, acceptable naman kung iibahin 'yung style ng sa 'yo," sabi ni Alice.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon