Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Alice. Nagising kami na may blanket na naka-balot sa buong katawan namin.
Bumangon ako at humikab. "Ano'ng oras na?"
Kinukusot ni Alice ang isa niyang mata habang ang isa ay nakadilat at nakatingin sa screen ng cellphone niya.
"3AM na, girl," aniya.
Pinaglaruan ko ang labi ko. "Hindi na tayo makakatulog nito. Gusto mo gumala?"
Nabuhayan siya sa sinabi ko. Kumuha ako ng susuotin at pumasok na sa banyo. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Naabutan ko sa couch si Alice. Bihis na bihis ang babaita!
"Ginising ko si Mikee. Gusto niyang sumama kaya lang hindi ko pinayagan. Walang bantay si Isla!" humagikgik pa siya.
"Kawawa naman si Mikee. Tara na! Bilisan natin!" sabi ko.
Casual ang suot namin ni Alice. Siya ang nag-drive ng kanyang sasakyan at papunta na kami sa mall na nasa loob ng isang condominium. Pagdating namin doon ay dumiretso kami sa bilihan ng sim card.
"Ba't ka magpapalit ng number?" Pahina ng pahina ang boses ni Alice. "It was a stupid question, of course. Well, tama lang ang gagawin mo, Kirsten."
Napa-iling na lang ako sa sinabi ni Alice. Pagkatapos namin magpalagay ng sim card ay tumungo naman kami sa branch ng paborito naming coffee shop.
"Kaunti pa lang ang mga tao! Para tayong vampires! Sa gabi lang lumalabas!" panay ang daldal ni Alice sa tabi ko. Samantalang ang mga mata ko ay napako na sa entrance ng coffee shop.
"At mas mabilis din ang serbisyo dahil hindi crowded!"
Natural na ang pagiging head-turner niya sa mga tao. Agaw-pansin hindi lang dahil sa sumisigaw niyang ka-gwapuhan, ngunit dahil rin ito sa babaeng kasama niya na naka-kapit sa kanyang braso.
"Salamat talaga at niyaya mo ako dito, bakla! Sarap mag-kape—Wait! Si Azure 'yon 'di ba? At s-si Noreen?!" tinakpan ko ang bibig ni Alice. Medyo napalakas ang boses niya.
Mabuti na lang at nasa dulo kami kaya hindi narinig nina Azure ang sinabi niya.
"Oh my God! So, totoo nga ang sinabi ng tsismosa sa table natin kahapon! Sila na ba ni Noreen?" dire-diretso niyang sinabi.
Nang magkatagpo ang mga mata namin ni Azure, pakiramdam ko ay huminto ang puso ko sa pagtibok ng ilang segundo. Nag-iwas ako ng tingin.
"He was looking at you!" kinikilig pa si Alice. Nakalimutan ba niya ang advice niya sa aking kalimutan na si Azure?
"Alis na tayo dito, Alice," sabi ko. Para siyang nagising sa panaginip nang makuha niya ang ibig kong ipahiwatig.
Kinuha ko ang inumin ko. Nauna ako sa paglalakad. Nakasunod naman sa akin si Alice. Alam kong ayaw pa niyang umalis dito dahil na-in love na 'ata siya sa ambiance ng coffee shop, pero kailangan!
"Babe, decaf ang sa 'kin. To go," narinig kong sinabi ni Noreen kay Azure.
Nakatingin sa akin si Azure kaya napatingin si Noreen sa akin. Saglit na tumaas ang isang kilay niya. Nginitian niya ako nang makilala.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...