The desserts were served at the pool area. Nasa likuran ito ng bahay nina Azure. Bumaba kami sa hagdan na magdadala sa amin sa swimming pool. Hawak ni Azure ang kamay ko para hindi ako madulas. Samantalang karga niya sa kanang braso ang anak namin na naka-swimwear. It's a cute little Barbie onesie. Bukod doon ay sinuotan ko rin siya ng rainbow tutu skirt.
Pagbaba namin ay nasilayan ko ang pamilya niya. Nakaupo sa sun lounger ang naka red two-piece na si Avery. Nasa table na puno ng desserts naman sina Tito Federico at Tita Anastasia. Sa tabi lang 'yon ng mga sun lounger.
Tumayo si Avery. Hinagis niya ang tuwalya sa sun lounger bago tumakbo papunta sa amin. "Ang cute cute naman ni Isla! Gosh! Gumawa pa kayo ng isa at ibigay niyo sa akin, okay?"
"Gusto mo pala ng anak, bakit hindi ka mag-asawa?" napa-irap si Avery nang narinig ang sinabi ni Azure.
Natawa ako habang patuloy sa pagtatalo ang magkapatid. Iniwan ko sila at pinuntahan na sina Tito Frederico at Tita Anastasia. Sila ang nag-suggest na mag-swimming kami pagkatapos kumain. Hindi na kami nagpalit ng damit ni Azure. Wala naman kaming balak mag-swimming.
Sumasabay sa hangin ang laylayan ng maxi dress ni Tita Anastasia nang salubungin niya kami. Sumunod rin ang naka-board shorts at puting sando na si Tito Frederico. Napangiti sila nang natitigan ng maigi ang suot ni Isla.
"Oh! Napaka-cute talaga ng apo ko! Can I hold her again?" ani Tita Anastasia.
Binigay ko naman sa kaniya si Isla. Halos mag-agawan pa silang mag-asawa kung sino ang mauunang kumarga kay Isla.
Ngumiwi si Tito Frederico. "Darling, let me hold her. Kanina ka pa, eh. Ako naman!"
Hinawakan ni Isla ang buhok ni Tita Anastasia. Nag-panic ako. Baka sabunutan niya ang kaniyang Lola! Mabuti na lang at pumunta sa likod ni Tita Anastasia si Tito Frederico para ayusin ang buhok ng asawa.
"Thank you, Darling! Hayaan mo at ipapahawak ko rin si Isla sa 'yo mamaya," kinindatan ako ni Tita Anastasia.
"Siguraduhin mo lang dahil—"
Hindi naituloy ni Tito Frederico ang sinasabi nang nakita kung paano ako hinawakan sa baywang ni Azure. Napahinto rin si Tita Anastasia sa paglalaro kay Isla nang napansin iyon. Kahit nagwawala na ang puso ko ay pumirmi ako at nginitian na lang silang mag-asawa.
"Mommy, mag-si-swimming na ako. Nakakainis 'yan si Azure! Pagsabihan niyo po 'yung magaling niyong anak!" nilingon ko si Azure. Nakangisi siya at tila hindi narinig ang reklamo ng kapatid niya.
Padabog na naglakad si Avery. 'Agad siyang tumalon sa swimming pool. Natalsikan kami ng tubig. Ang magaling kong anak ay tumawa pa!
"What did you do to your sister, son?" tanong ni Tito Frederico. Pinupunasan niya ang nabasang katawan gamit ang tuwalya. Pagkatapos ay pinunasan naman niya ang asawa at ang apo.
"Nothing, Dad. I just told her that it's time for her to settle down. She's getting old at baka maubusan siya ng lalake 'pag hindi pa siya kumilos," parang napakadali ng pinapagawa ni Azure kay Avery. Nakangiti pa ang mokong!
Tumawa si Tita Anastasia. "What about you? When are you going to settle down? Tumatanda ka na rin, anak..." she trailed off. Lumipat ang tingin niya sa akin.
Hindi naman siguro ako 'yung tinutukoy ni Tita Anastasia, ano? Kaya bakit parang lalamunin ako ng buhay ni Azure kung makatingin siya sa akin?
Inakbayan ni Tito Frederico ang asawa. "Come, Darling. Let them talk to each other. Our son knows what to do."
Nang naiwan kaming dalawa ni Azure ay hindi ko na alam ang gagawin. Tumungo na lang ako doon sa table na may iba't ibang klase ng desserts.
Sinundan ako ni Azure. "Malapit na ang birthday ni Isla. What are your plans, Kirsten?"
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...