Five days had passed and the shooting's still on fire. Sa paglipas ng mga araw ay mas lalong naging intense ang mga eksena. Then Tati showed up in her "ghost look". Halos atakihin pa ang scriptwriter na si Ma'am Victoria Reyes nang ginulat siya nito.
"Luka-luka ka talaga, Tati!" sabi ko habang hawak ang dibdib. Napakapangit at nakakatakot talaga ang itsura niya. Kudos to the Prosthetics Team o 'yung tinatawag naming Unit 3.
Nakisali sa harutan namin si Giselle Corpuz, ang may pakana ng lahat at dahilan kung bakit namatay ang karakter ni Tati. Siya ang nag-imbita sa amin sa kanyang birthday party.
"Ayaw niyo 'yon? Effective ang pananakot niya!" sabi niya sabay tapik sa balikat ni Tati.
Hindi naman sa pag-a-ano, pero may nararamdaman kaming bad vibes dito kay Giselle. Siya 'yung tipo ng artista na sasaksakin ka patalikod at mataas ang tingin sa sarili. Although she's really beautiful, nakitaan na namin siya ng pagmamaldita sa isang staff kahapon.
Nikki laughed horribly. "Yeah! Kaya nga sumakit ang dibdib namin no'ng nakita namin siya kasi nga nakakatakot!"
Tumawa lang din si Giselle at inatupag na ang pagbabasa sa script. Sumandal naman ako sa upuan at nakangiting nagre-reply kay Azure. He's boarding their private plane and a few hours from now, we'll see each other again!
"Ang saya natin, ah!" nakalapit na pala sina Tati at Nikki sa akin. Nag-angat ng tingin si Giselle at mukhang balak niya pang makinig sa aming usapan.
Dinukot ni Nikki ang wallet mula sa bag ng assistant niya. "I'll bet a thousand bucks, si Azure ang kausap n'yan!"
Tuluyan na naming nakuha ang atensyon ni Giselle. Lumapit ito sa amin at mukhang nagulat sa narinig.
"A-Azure? You mean Azure Lorenzo?" excited at nakangiti niyang tanong.
Nagkatinginan kami nina Nikki at Tati. May kutob na ako, pero 'wag naman sana...
"Oo, kilala mo pala siya?" pormal kong sabi sabay tayo.
Tumango si Giselle at hinawakan pa ang aking mga braso. "Of course! He's my "TOTGA", Kirsten!"
TOTGA?! As in the one that got away? Parang naalog ang utak ko do'n, ah?
Hindi ko na naitago ang pag-ngiwi. "K-Kailan kayo nagkakilala?"
Hinatak ako ni Giselle para umupo. Mahaba-haba 'ata ang kwento ng naudlot na pag-i-ibigan nila ni Azure!
Shit! Ayaw kong makinig! La la la la la la la la la la la la la laaaa!
"We've met a few years ago. Schoolmate ko kasi siya at nagka-develop-an kami dahil kaibigan din niya ang kaibigan ko. We were in a relationship for four years. He was my first! As in sa lahat! Kaso lang nag-aral siya sa ibang bansa at 'di namin kinaya ang LDR so we broke up," malungkot na kwento ni Giselle.
Azure knew that she's one of the casts and he didn't even bother to tell me that she was his girlfriend? Pero bakit? Ano'ng dahilan niya? Dahil mahal niya pa? Fuck! Kung totoo nga, ano ang laban ng magda-dalawang buwan pa lang sa apat na taon? Pakiramdam ko ay nilulukot ang puso ko ngayon!
Kung ano man ang susunod na sasabihin ni Giselle ay hindi ko na kayang pakinggan. Pasalamat na lang ako at nakahanap ng palusot sina Tati at Nikki para mailayo ako sa kanya.
"Sa tingin mo, alam ni Giselle na kayo ni Azure?" palakad-lakad si Tati sa harapan namin ni Nikki.
Tulala ako at kung hindi lang inihipan ni Nikki ang kanang tainga ko ay hindi ako matatauhan.
"I-I don't know... Maybe or maybe not? Masyado siyang na-excite kanina kaya nawala sa isip niya na magka-text kami ni Azure," sagot ko.
Humalukipkip si Nikki. "Hindi 'yan ang problema, Kirsten, kundi 'yung boyfriend mo! He kept the truth from you! Imagine-nin mo, ilang araw na tayong magkakasama 'tapos alam pa niya na kabilang si Giselle sa cast! Hindi man lang ba niya naisip na karapatan mong malaman ang nakaraan nila dahil ikaw na ang present niya?"
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...