Chapter 19

1.9K 63 0
                                    

"Ano'ng ibig mong sabihin, Alice?" binabayaran ko ang pagpapa-gupit ko ng buhok sa salon nang makatanggap ako ng text kay Alice. Then I called her immediately.

"I'm sorry, Kirsten. Emergency kasi at hindi ko pwedeng pabayaan ang pamangkin ko," malungkot na sabi ni Alice.

Nag-text siya sa akin na hindi niya ako masasamahan sa shooting bukas. Her older sister, Patricia, was admitted to the hospital last night. Malapit na rin ang pageant ng kanyang pamangkin at walang ibang mag-aasikaso niyon kundi siya.

Sinapo ko ang noo ko. "It's alright, Alice. Let me know kung kailangan mo ng tulong. Susubukan kong pumunta sa inyo pagkatapos ng shooting bukas."

"Thank you so much, Kirsten! Sorry ulit. Babawi ako sa susunod. Bye!"

Itinago ko ang cellphone ko at lumabas na sa salon. Nagpa-trim lang naman ako ng buhok dahil hanggang puwet ko na iyon.

Pagkasakay ko sa sasakyan, nag-isip ako ng mabuti kung sino ang pwede kong isama bukas.

Nasa Boston si Azure para um-attend sa seminar; siya ang magsisilbing kinatawan ng airline nila. Si Avery ang kasalukuyang namumuno sa kompanya nila dahil nasa business trip ang kanilang mga magulang. Hindi naman maaaring abalahin si Mikee dahil puspusan na ang paghahanda niya sa mga gown na gagamitin sa international pageant at kasal.

Napalunok ako sa huling naisip. Ayaw ko man, pero wala na akong choice.

Pinindot ko ang loud speaker. "Hello, Nay?"

"Anak, napatawag ka? Kumusta ka diyan? Handa kana ba sa shooting mo bukas?"

"Problema ko po Nanay kung sino ang isasama ko bukas. 'Di ba nand'yan pa sina Auntie Lydia? Balak ko sanang isama si Genyka. Babayaran ko naman siya. Pwede po bang kausapin niyo ang pinsan kong 'yon para sa 'kin, 'Nay? Tatawagan ko na lang po ulit kayo mamaya. Nagmamaneho po kasi ako, eh."

"Walang problema, anak. Ako na ang bahala kay Genyka. Mag-ingat ka!"

Doon natapos ang tawag. Kung bakit kasi nagkataon pang busy silang lahat? Hindi naman ako pwedeng pumunta ng mag-isa kaya nilunok ko na lang ang pride ko at inaya ang pinsan kong si Genyka.

From: Nanay

Pumayag si Genyka, anak, basta 5,000 per day daw.

Kakarating ko pa lang sa unit ko at parang gusto ko na lang ulit umalis. Really? 5,000? Tinalo niya pa 'yung talent fee ko no'ng pa-extra extra pa lang ako sa mga palabas sa TV.

To: Nanay

Pakisabi din po, 'Nay, na 3,000 ang ibabayad ko sa kanya. I only need her for two days not for the entire week. Take it or leave it.

Naglinis muna ako habang hinihintay ang reply ni Nanay. Mukhang nagkaroon pa ng meeting sa pagitan ni Genyka at ni Auntie Lydia, ah? Ayaw niya pa ba sa tatlong libo? Grabe lang! 'Di ko na siya ma-reach!

Past two in the afternoon and still no reply. I'll just keep myself busy, then. Kabisado ko na ang mga linya ko at nakapag-practice na rin ako kaya aayusin ko na lang ang mga dadalhin ko bukas.

Usually, make up kit, hygiene kit, extra'ng damit, phone, power bank, earphones, at fresh fruits lang ang dinadala ko sa set. Pinagkasya ko ang mga iyon sa isang 'di kalakihang bag para hindi ako mahirapan.

Pinapanood ko ang paborito kong TV series na Friends, nang nakatanggap ako ng text message mula kay Genyka.

From: Genyka

Deal, Kirsten. Nasa biyahe na ako papunta sa condo mo.

This is gonna be awkward...

Pinatay ko na ang TV para makapaghanda ako ng kakainin namin mamaya. Adobo na lang siguro ang lulutuin ko para madali.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon