Masama ang timpla ko kinabukasan. Nakailang balik pa ako sa bathroom dahil sa pananakit ng tiyan ko.
"What happened? Tiyan ang masakit sa 'yo imbes na ulo?" pikit-matang sinabi ni Avery. Todo ang pagyuko niya at muntik pang tumama ang ilong niya sa kape.
Kakaupo lang ni Alice pagkatapos niyang magluto ng agahan. Oatmeal at fresh fruits ang request ko dahil wala akong gana para sa heavy breakfast.
"Nalipasan kasi ako, Avery. Remember?" kinagatan ko 'yung saging.
Nanliit ang mga mata ni Alice kahit pa abala siya sa paghahalo ng itlog na maalat at kamatis.
My nose crinkled. Ugh! That foul smell! Huminga ako ng malalim at sinubo 'yung oatmeal. Halos hindi na ako humihinga habang ngumunguya.
Napansin ni Mikee ang ginawa ko. "Bakit, Kirsten? Ayaw mo ng oatmeal?"
Tatlong pares ng mga mata ang nakatingin sa akin ngayon. Umiling ako. Kumakain naman ako ng itlog na maalat. It's just that...
"Don't mind me, guys. May hangover at nalipasan ako ng gutom kaya ganito ako umasta ngayon," I said and silently wished that they would stop questioning me.
Natupad nga ang hiling ko dahil nawala ang atensyon nilang lahat sa akin at napunta iyon sa pinto nang narinig namin ang door bell. Ako na ang tumayo at para makaiwas na din sa eksaheradong mga titig nila.
Hinila ko ang pinto at nalaglag ang panga dahil ang mga magulang ko pala ang 'di inaasahang mga bisita.
"Nay? Tay?" nakangiti ako dahil masaya akong makita sila.
Humakbang ako papalapit sa kanila sa pag-aakalang yayakapin nila ako ngunit natauhan na lang ako nang dumaplis ang palad ni Nanay sa pisngi ko.
My eyes widened and I couldn't utter a word. Nakatayo lang ako na parang poste sa gulat. Tinuro ako ni Nanay. Galit na galit siya at kulang na lang ay ihampas niya sa akin ang kanyang bag.
"Merlie, tama na!" nagpupuyos sa galit si Tatay. Hinila niya palayo si Nanay.
May kumalabog sa dining room at maya-maya pa'y nasa likuran ko na sina Avery, Alice, at Mikee. Dinaluhan 'agad nila akong tatlo.
"Ano'ng karapatan mong ibenta ang sasakyan na 'yon, Kirsten? Ang lakas ng loob mo! Ni hindi pa nga namin 'yon nababayaran ng buo! Bakit mo binenta? Kung ayaw mo, sana ay binalik mo na lang sa amin!" paratang ni Nanay habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
Umiling ako, hindi makapaniwala. What the hell did she say? I sold that car!? Tang ina! Kailan?
Hinampas ni Tatay ang pader sabay hila kay Nanay papasok sa unit. Ni-lock niya ang pinto at ang kamay niya'y nananatiling nakahawak sa braso ni Nanay.
Nagmura si Alice at tinabihan ako. "K-Kirsten, I'm sorry... Ako ang nagsabi sa kanila na binenta mo 'yung kotse..."
Puno ng hinanakit ko siyang binalingan. Tumulo ang mga luha sa nagtatanong kong mga mata.
"What the fuck, Alice? Why would you do that?" ani Mikee.
Si Avery naman ang narinig ko. "Alice, are you crazy? Hindi ka dapat nag-desisyon ng gano'n! Tingnan mo ang nangyari!" mahina ngunit mariin niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E D
RomanceKirsten Buenaflor thought it was over between her and Azure Lorenzo when she flew away to escape reality. But that mistake made her realize that maybe it's not too late for them to reconcile. Is love enough for her to come back? Highest Rank Achieve...