Chapter 24

1.6K 71 1
                                    

Magdamag akong umiyak. Sobra na ang pag-aalala ni Alice. Dumagdag pa sina Nanay at Tatay na nagbabalak nang puntahan ako para makita ang kalagayan ko.

"Ano'ng gusto mong kainin, Kirsten? You want eggs? Bacons? Or just hash browns? ngiti ni Alice at ipinakita ang mga lalagyan ng mga pagkaing nabanggit.

"Just water, Alice..." sabi ko sa garalgal na tinig. Paos ako ngayon kaya kinailangan niya pang lumapit para lang marinig ang sasabihin ko.

Nag-ring ang cellphone niya at nakita kong si Ms. Paz ang tumatawag. Wala na naman kasi ngayon sa set. Isa akong perwisyo sa kanila at 'pag nagpatuloy pa ito, baka tanggalin na nila ako.

Inilapag ni Alice ang baso sa coffee table at sinagot 'yung tawag ni Ms. Paz. Umupo siya sa tabi ko at pinakinggan ng mabuti kung anuman ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

"Y-Yes, Ma'am... What? But why? Wait a sec.," tiningnan ako ni Alice. "Of course not! She's fine... May ubo't sipon siya ngayon... Alright, I understand... Yeah, thank you, Ma'am..."

Tinapon ni Alice ang cellphone sa couch sabay hilot sa kanyang sentido.

"A-Ano'ng sinabi ni Ms. Paz?" tanong ko.

Pumalatak siya. "The whole set is a mess. Tati and Giselle had a squabble. They're asking for your presence in two days, and if you won't show up, they'll pull you out."

Namilog ang mga mata ko. "Oh my God! P-Pero bakit daw nag-away sina Tati at Giselle? Dahil ba sa 'kin?"

Hinilamos ni Alice ang mga kamay niya sa kanyang mukha. "I'm sure it has something to do with you. Can you really do this, Kirsten? Gusto kong marinig 'yung totoo. You're emotionally and mentally unstable. Na-trauma ka sa mga nangyari at kailangan mong sumailalim sa counseling."

Bumagsak ang mga balikat ko. She's right. Naaapektuhan na ang mga taong nakapaligid sa akin gawa ng pinagdadaanan ko ngayon. But what will happen to the movie? We're halfway through the end, at masasayang lahat ng pinaghirapan namin 'pag umalis ako...

Tumagilid ako at tumingin kay Alice. "Babalik ako sa set. I'll finish the movie whatever it takes. Isang buwan na lang o higit pa ang hihintayin. Pagkatapos, saka ko aasikasuhin ang sarili ko, Alice."

Alice nodded and gave me a slight smile. She's stressed because of me. Hindi ko na kayang pahirapan ang mga tao sa paligid ko kaya ako na lang ang magtitiis.

Sa sumunod na araw ay bumalik ako sa set. Ramdam ko na 'agad ang tensyon pagtapak ko pa lang sa studio. Napatingin sa akin sina Direk Jason at Mr. Alcantara at sumenyas na maghintay ako.

"Miss Kirsten, sa dressing room po tayo..." anang isang staff.

Sumunod kami ni Alice sa kanya. Nadatnan namin sa dressing room sina Tati, Nikki, at Giselle. Magkakalayo sila at hindi nagpapansinan.

"Dito po muna kayo habang kumakain pa 'yung make up artist at stylist. Medyo matatagalan po dahil kakalabas lang nila," wika ng staff bago kami iwan.

Pagkasara niya sa pinto ay tumikhim ako. Si Nikki lang 'yung lumingon para bumati ng matipid. Tinapik ni Alice ang balikat ko bago niya ayusin 'yung mga gamit ko.

Umupo ako sa silyang nakalaan para sa akin. Nakapatong sa vanity table 'yung folder at binasa ko ang script na nakapaloob doon.

Lahat kami ay napatingin sa pinto nang may kumatok. Sumungaw ang ulo ni Nathan at 'agad akong nahanap ng mga mata niya.

"Can I come in?" tanong niya at mabilis siyang iginaya ni Alice para pumasok.

Nahihiyang naglakad papunta sa direksyon ko si Nathan. Napakamot siya sa ulo at ipinakita ang supot na bitbit.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon