Chapter 43

1.8K 71 2
                                    

Ang lamig na nanggagaling sa aircon ang gumising sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko at bumangon. I looked on the other side of the bed only to find out that Azure isn't there.

Bumaba ako sa kama. Nawala na sa isip ko ang remote control ng aircon dahil si Azure na ang hinahanap ko ngayon.

Napatingin ako sa kaliwa at napansin na nakabukas ang pinto patungo sa balkonahe. I could see his silhouette from here. Nakahilig siya sa railings at tila may kausap sa kaniyang cellphone.

"I'll see what I can do, Noreen."

Bumagal ang paglalakad ko nang narinig kung sino ang kausap niya. May naramdaman akong kung ano sa dibdib ko dahilan kung bakit huminto ako.

Ganito ba sila palagi? Iyong magka-usap tuwing madaling araw? O baka dapat kanina pa, kaya lang ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon dahil nandito kami ni Isla.

Reality hits me. Labas na ako sa kung anuman ang namamagitan sa kanila. Isa pa, ako lang naman itong umaasa na magiging maayos pa rin kami ni Azure. But of course, it's because of our daughter kaya lumambot ang pakikitungo niya sa akin. Kailangan, eh.

Dahan-dahan akong umatras. Sinilip ko ang crib ni Isla sa tabi ko bago ako humiga sa kama. Binalot ko muna ang buong katawan ko ng kumot saka pinakawalan ang mga luha. I cried until I fell asleep. Bago ko ipinikit ang aking mga mata, naramdaman ko ang pag-uga ng kabilang bahagi ng kama.

You'll never know that I cried, Azure. You'll never know that I am aching and dying inside.

Parang walang nangyari paggising ko. 'Agad akong nag-unat at humikab. Paglingon ko sa tabi ko ay nagulat ako nang makita na nandoon pa rin si Azure. Nakadapa siya at mahimbing na mahimbing ang tulog.

Sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang nililinisan ko si Isla. Pagkatapos kong mag-ritwal ay iyon ang ginawa ko.

"Good morning!" bulong ko habang binubuhat ang anak ko.

Tumungo kami sa pinto at lumabas na. Tahimik pa sa buong bahay. Marahil ay natutulog pa si Avery at ang mga magulang nila.

"Magandang umaga po, Ma'am!" bati sa akin ng kasambahay na nakasalubong ko sa hagdan.

Huminto kami para maka-usap ang isa't isa. Ngumiti ako. "Magandang umaga rin po! Nag-almusal na ba kayo?"

"Hindi pa po, Ma'am. Kakain po kami pagkatapos ninyong kumain. Binilin po sa amin ni Madame Anastasia na lutuin ang mga paborito mo," wika niya. Hinayaan ko siyang laruin si Isla na kunot-noong nakatitig sa kaniya.

Napa-isip ako. "Pwede po ba akong magluto? Gusto kong tumulong."

Alanganin. Iyan ang nahinuha ko sa ipinakitang reaksyon ng kasambahay.

"Kahit pritong itlog lang po ang lutuin ko. Please?" I pleaded. Napangiti ako nang tumango siya.

Sinamahan ako ng kasambahay sa kusina. Naroon na ang iilang kasambahay at iba pang tauhan dito. Namataan ko pa si Kuya Jolas na nagka-kape sa kitchen counter.

Gulat na gulat sila nang nakita kami ni Isla. Itinigil nila ang mga ginagawa para bumati.

"Magandang umaga po sa inyong lahat!" bati ko pabalik.

"Ba't nagawi kayo dito, Ma'am?" nakangisi sa akin si Kuya Jolas.

Nilagay ko si Isla sa high chair na ipinakuha ko sa isa pang kasambahay. Bigay iyon nina Tito at Tita. Iiwan ko rin iyon dito para may magagamit si Isla 'pag bumalik kami. Meron naman siya sa unit ko, eh.

Nang masiguro na maayos si Isla sa high chair ay hinarap ko si Kuya Jolas. "Tutulong po ako sa pagluluto, Kuya."

Nagpaalam ang ibang kasambahay kaya ang naiwan na lang sa kusina ay kami ng anak ko, 'yung kasambahay kanina, at si Kuya Jolas.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon