Chapter 39

1.9K 68 0
                                    

Binagalan ni Alice ang pagpapatakbo pagdating namin sa highway. Kumikirot ang puso ko lalo na 'pag naaalala ko ang itsura ni Yuan kanina sa parking lot. Sa maikling panahon ay naging malapit na siya sa akin kaya mahirap para sa akin ang gagawin ko.

"From now on, don't text or call him, Alice," mahinahon kong sinabi.

Sumandal siya sa upuan. Binaba niya ng bahagya 'yong bintana. "Nagpapaapekto ka dahil sa sinabi ng Yiran na 'yon?"

"Apektado talaga ako, Alice. I'm not dense. Alam kong hindi lang kaibigan ang tingin sa akin ni Yuan. Ayaw kong paasahin si Yuan kaya lalayuan ko na lang siya," sabi ko.

Sinindihan ni Alice ang sigarilyong hawak. "What about his offer? Tatanggihan mo?"

Binaba ko rin 'yong bintana para hindi ko malanghap lahat ng usok mula sa sigarilyo. She knows how much I hate that thing. Kung bakit mas problemado pa siya sa akin ay hindi ko alam.

"Stop smoking, Alice! Malalanghap ni Isla ang usok ng sigarilyo mula sa damit at buhok ko!" pagalit kong utos sa kaniya.

"Pinapababa ko lang 'yong kinain ko kanina," paliwanag niya bago tinigilan ang paninigarilyo.

"Thank you," sabi ko. Huminga ako ng malalim. Buo na ang desisyon ko. "I'll decline his offer, Alice. Ayaw kong magmukhang user at gold digger. Paghihirapan ko na lang para marating ko 'yong tuktok ng tagumpay."

"Ikaw ang bahala, Kirsten. Alam mo kung ano ang mas makakabuti sa 'yo," mabuti naman at naiintindihan ni Alice 'yong desisyon ko.

What Yiran told me was a slap to my face. Lalabas na ginagamit ko lang si Yuan 'pag pumayag ako sa offer niya. I want to clear his name and to stop the rumors between us. The only solution I could think of right now, is to stay away from him.

Dumaan kami sa isang restaurant ni Alice para bumili ng pasalubong. Pagkatapos ay tumungo namin kami sa bangko para mag-withdraw. Nagpapasalamat ako dahil tinulungan kami ng mga security guard para hindi ako dumugin ng mga tao. Lahat sila ay pinalibutan kami ni Alice at wala silang nagawa kung hindi ang kuhaan na lang ako ng litrato.

"Maraming salamat po sa inyo!" sabi ko sa mga security guard at kumaway sa mga taong naka-antabay bago kami lumabas ni Alice sa bangko.

Pag-upo ko sa front seat ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Yuan. Inilapag ko ang cellphone ko sa dashboard at inayos na ang seatbelt ko.

"Answer it, Kirsten! Kawawa naman si Yuan," malungkot na saad ni Alice. Pina-atras niya ang sasakyan at minaneobra ito papunta sa daan pauwi sa amin.

Ginulo ko ang buhok ko. Dinampot ko 'yung cellphone at sinagot ang tawag ni Yuan. Hindi pwedeng biglaan, kailangan kong unti-untiin ang pag-iwas sa kaniya.

"Hello?" ang banayad na boses ni Yuan ang sumalubong sa aking pandinig.

"Yuan, napatawag ka..." napangiwi si Alice sa sinabi ko.

"Itatanong ko lang sana kung nakauwi na kayo," napalakas ang boses ni Yuan dahil biglang umingay sa kinaroroonan niya.

"Pauwi pa lang, Yuan. May dinaanan kami ni Alice," sagot ko.

Natunogan siguro ni Yiran na ako ang kausap ni Yuan kaya tinawag niya ang kapatid niya.

"Sandali lang, ah? Tatawagan kita mamaya. Take care, Kirsten!"

Bigla na lang naputol ang linya. Hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone ko. Nang naalala ko si Isla ay nagmadali ako sa paghahanap ng pangalan ni Azure sa contacts ko.

"Natutulog ang mag-ama mo," inunahan na ako ni Alice.

Tumango ako at itinabi na ulit ang cellphone. Of course, she knows that. Mikee was the one who told her that Azure and Isla are on their deep slumber.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon