Chapter 52

2.2K 74 4
                                    

Pinahawak ko muna si Isla kay Maribel. Tumulong kami sa paghahanap. Kahit saang sulok ng bahay ay wala 'yung singsing!

"Hindi pwedeng mawala 'yon!" Ngayon ay umiiyak na si Alice.

Binigyan siya ng tubig ni Nanay. Pina-upo muna namin siya sa sofa habang abala sa paghahanap 'yong iba.

"Kayo muna ang bahala sa kaniya. Tutulong kami sa paghahanap," wika ni Tita Anastasia.

Alice stomped her feet because of frustration. "Imbes na inaayusan na tayo ngayon! Nakakainis! Nasa kwarto lang 'yon, eh! Inayos ko na kasi kailangan sa photoshoot at sa video!"

Lumapit sa amin si Aling Lourdes, ang ina ni Alice. "Anak, sigurado ka ba na nasa kwarto mo lang 'yon? Hinanap na namin kung saan-saan. Wala talaga, anak."

Alice cried harder. Halos hindi na siya matigil sa kaka-iyak. Pati tuloy kami ni Avery ay na-stressed kakaisip ng paraan.

Habang pinapa-kalma nina Avery, Undang, at Choleng si Alice ay tinawagan ko si Azure.

"Azure! Hello?" halata ang pagpa-panic sa boses ko.

"What is it? May problema ba?" Ang marinig ang boses niya ay talagang nakakatulong sa pagpapakalma.

"Meron, eh... Kasama niyo ba si Mikee?" I bit my finger as I stared blankly on the wall.

"Wait a sec..." Nang nagsalita siya ay tahimik na ang background. "Yes, we're inside his suite for the photoshoot. Lumabas lang ako para marinig ka ng maayos. What's the problem?"

"Nawawala kasi 'yong singsing ni Alice. Please, don't tell Mikee. Nagwawala na dito si Alice. We don't know what to do!"

Huminga siya ng malalim. "Tell her to calm down. Kumalma ka rin..." There was a long pause that my eyebrows furrowed. "I think, I-I can help you..."

Nabuhayan ako sa sinabi niya. "Talaga? Paano?"

Napatingin sa akin sina Alice. Tumayo siya at lumapit sa akin. Sumunod sa kaniya sina Avery.

"Trust me. Y'all need to calm down. Magpa-ayos na kayo. I'll see you in a bit."

Napangiti ako, malaki ang tiwala sa kaniya. "O-Okay. Ibaba ko na. Thank you, Azure!"

Sinabi ko ang magandang balita kay Alice. Kahit may pagdududa ay nagawa niya nang kumalma. Tumigil na ang lahat sa paghahanap para makapagpa-ayos na rin. Bukod sa glam team ko, may iba namang make up artists na inokupahan si Alice para sa araw na ito.

"Ate, ikaw na daw po ang aayusan. Akin na muna si Isla," nag-angat ako ng tingin kay Maribel at nagulat sa laki ng pinagbago niya. She's really beautiful! Lalo na ngayon!

Even my daughter noticed it, too! Sa tuwa ay palaging nakangiti si Isla sa kaniya. Aside from that, she received praises from everyone in this room.

Nagpaalam siya sa akin na bababa muna sila. Tumango ako at umupo na sa harap ng vanity table.

Ibinaba ni Royce ang hawak na eyeshadow palette. "Hmmm, gusto ko ng smokey eyes para sa 'yo, Miss. Lalong magpa-pop out 'yung kulay ng mga mata mo."

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon