Chapter 16

2.2K 80 9
                                    

Inaasahan ko na ang pagtatapos ng aming bakasyon, tutuloy ang mga magulang ko sa unit ko at kasama na ang mga kamag-anak ni Nanay, syempre.

"Magkano itong unit mo? Ang ganda!" bulalas ni Auntie Lydia pagkapasok. Ni hindi na sila nag-abalang magtanggal ng mga sapatos, samantalang nakita naman nila ang mga pambahay na tsinelas.

Iginiya ko sina Tatay at Nanay sa living room. Nagsi-sunod ang mga pinsan ko habang sina Uncle Marlon at Auntie Lydia ay nagpatuloy sa paglilibot sa unit ko.

"Ilalagay ko lang po sa kwarto ang mga gamit ko, 'Nay," kinuha ko 'yung maleta ko at nilingon ang magkakapatid. "Sumunod kayo sa 'kin. Ihahatid ko kayo sa magiging kwarto ninyo. Dalhin niyo na rin ang mga gamit nina Uncle at Auntie."

Maliit na bag lang ang dala nina Tatay at Nanay dahil may mga gamit naman sila dito. Isinuot ko sa hawakan ng maleta 'yung bag na iyon at hinila na ang maleta patungo sa hallway. Sumunod sa akin ang magkapatid na babae. Nagpa-iwan si Joshua dahil binuksan ni Tatay 'yung TV.

"So, nasa'n ang kwarto namin?" tanong ni Kara paghinto namin sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.

Ang kwarto sa kaliwa ang sa akin. Nasa gitna ang kina Tatay at Nanay kaya ang kwarto sa kanan ang para sa pamilya ni Auntie Lydia.

Itinuro ko ang pinto sa dulo. "Tatlo lang ang kwarto sa unit ko. Okupado na ang dalawa kaya ang natitirang kwarto na pwede ninyong tulugan ay ang kwarto sa kanan."

"Isa lang? Paano kami magka-kasya do'n, Kirsten? Ang mabuti pa, bigyan mo na lang kami ng pang-check in sa hotel," ani Genyka at nakuha pa akong singhalan.

Humarap ako dahil hindi ako makapaniwala sa kahibangan ng pinsan ko. "Kung hindi kayo kasya, problema niyo na 'yon. Kung gusto niyong mag-hotel, humingi kayo ng pera kina Auntie at 'yon ang gastusin niyo."

Pinihit ko ang doorknob. Pumasok ako at pabagsak na isinara ang pinto. Ang kakapal talaga! Pinatuloy na nga, nagrereklamo pa!

Isinandal ko ang maleta sa gilid ng kama bago nag-dive doon. Sabog pa ako dahil isang oras lang ang tulog ko.

Pinagsisihan ko gad ang padalos-dalos kong desisyon nang naramdaman ang pananakit ng buong katawan. Azure and I found our ways last night and if I remembered it correctly, our love making ended at exactly 5 in the morning. We literally broke the bed and Azure had to pay for the damage secretly.

Wala namang surprise inspection na paandar ang mga kaibigan ko. Mabuti na lang din at nalasing ang mga tao kagabi lalong-lalo na si Tatay. Napagod naman ng husto si Nanay sa pag-a-asikaso ng mga bisita kaya 'agad siyang nakatulog.

"Kirsten, anak?" dumilat ako nang narinig ang boses ni Nanay at ang sunod-sunod niyang pagkatok sa pinto.

Hirap na hirap ako sa pagbangon. "Pasok po kayo, 'Nay!"

Maingat na inilapat ni Nanay ang pinto. Pagharap niya ay napansin ko 'agad ang pagiging seryoso niya.

Tinapik ko ang kama. "Bakit po, 'Nay? Upo ka dito!"

Tumango si Nanay. Teka, inaano ba siya ng kama ko at kung makatingin siya ay parang wawarakin niya ito anumang oras?

Natulala ako saglit... Guguho ang mundo ko kung...

Padabog na umupo si Nanay sa tabi ko. "Kailan ka huling nagkaro'n?" seryoso niyang tanong.

Napalunok ako. "T-Two weeks ago po, 'Nay. Bakit po?"

Pinagmasdan niyang maigi ang katawan ko kaya niyakap ko ang sarili ko. I feel so attacked! She knew!

Umiling-iling siya. "Kung gano'n, bakit may nakita akong dugo sa kama mo kahapon? 'Wag mong sabihin sa akin na si Azure ang may regla..."

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon