Chapter 22

1.7K 66 1
                                    

Halos mabingi ako nang sabay na tumunog ang dalawang alarm clock sa bedside table. I groaned as I reached for them while my eyes are still closed.

"Oo na! Ito na! Babangon na!" sabi ko at pupungas-pungas na bumangon.

Gusto kong maiyak dahil bukod sa alas dos pa lang ng madaling araw at inaantok pa ako, masakit din ang buong pangangatawan ko.

Handa na ang lahat at ang gagawin ko na lang ay maghilamos, mag-toothbrush, at magbihis. Male-late ako kung magluluto pa ako ng almusal kaya nakapag-desisyon akong dumaan na lang sa drive-thru mamaya.

Bago ako umalis, nag-text ako kay Azure para magpaalam. He texted me around 1:30 AM at sigurado akong mahimbing na ang tulog niya ngayon.

I'm barefaced and I let my hair swayed around my waist. Simpleng white fitted t-shirt, skinny jeans, at sneakers lang ang suot ko. Malamig kaya pinatungan ko ng isang itim na pullover 'yung t-shirt.

I opened the app that would be my guide as I drove my way to the dark and cold street of Makati. Binuhay ko ang radyo para naman maibsan ang kaba sa aking dibdib na hindi ko alam kung para saan. Maybe because I'm alone and there's no one else to accompany me just like before?

"Ulitin ko lang po, Ma'am... 1 cheeseburger, 1 large fries, and 1 large water with no ice?" sabi ng babae sa sumunod na window ng drive-thru ng paborito kong fast food chain.

Tumango ako. "Yup, that would be all..."

Binaggit niya ang total ng aking babayaran at inabot ko sa kanya ang malutong na isang libo. Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone para tingnan kung may reply na ba si Tati o si Nikki, pero wala ni isa sa kanila ang sumagot. Sinabi ko kasi sa kanila na papunta na ako at nagtanong kung nasaan na sila.

Kinagatan ko 'yung burger. Mabilis ang biyahe dahil walang gaanong dumadaan na sasakyan. Natitiyak kong maaga akong makakarating sa warehouse na tinutukoy ni Tati.

Bumagal ang pagmamaneho ko nang mapansing puro talahib sa magkabilang gilid ng kalsada. Tinaasan ko ang liwanag na nagmumula sa headlights dahil wala man lang streetlights sa paligid!

"Dammit! Naliligaw na ba ako?" sinilip ko ang screen ng cellphone ko at nakitang tama naman ang dinadaanan ko.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho hanggang sa may matanaw akong warehouse sa kaliwang bahagi ng kalsada. May isang pickup at isang four-wheel truck na nakaparada sa labas niyon. Nakahinga ako ng maluwag. I guess I'm not lost at all!

Huminto ako malapit sa warehouse. Bago ko patayin ang makina at bago ako bumaba sa sasakyan, tiningnan ko muna kung sino 'yung tatlong lalake na nagtatawanan sa gilid ng truck. Lumingon silang lahat sa akin nang masilaw sa headlights at halos malagutan ako ng hininga nang naglakad papalapit 'yung dalawa.

Hindi sila pamilyar sa akin... I doubled check the doors and I was relieved to know that they're locked. Kumapit ako ng mahigpit sa manibela at napasigaw nang maglabas ng baril 'yung isa.

"Fuck! Who are they and where the hell am I!?" nanlalamig na ang aking mga kamay at garalgal ang aking tinig.

Kinalma ko ang sarili ko. Inapakan ko 'yung gas at pina-atras ang sasakyan. Nanlalabo na ang mga mata ko lalo pa't nakatutok sa direksyon ko 'yung baril.

Love Me, Hate Me (Chasing Dreams Series #1) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon